So tungkol ito sa b-nlog ko kahapon na kitchen battle.
9 sections ang naglaban. 3 sa 1st year, 2 sa 2nd year, 3rd year, at 4th year. Meron itong 3 rounds, appetizer, main course, at dessert.
Simulan natin sa Appetizer.
Corn soup Ala malunggay ang napagdesisyonan namin lutuin. Masarap naman yung ginawa namin kaso, naalatan sila. Nasobrahan sa asin. Pero sabi ng ibang mga nakatikim masarap daw.
Adobong gulay. Ang alam kong mali dito ay yung texture ng food at hindi pa masyadong luto yung sitaw. Nagmamadali kasi kami. Pero 'dun sa plating, ayos naman. ;)
Ang napanalunan namin, Dessert.
So may history ito. Lol. Ang una kasi naming iniisip ay pancakes. Akala kasi namin kailangan ng malunggay. So yung pancake batter, lalagyan namin ng malunggay. Nung contest proper na, walang flour, wala kaming maisip. Nakakita ako ng sweet potatoes or kamote, ang balak ko, gagawin namin itong pastillas. Dapat may apple din, so ginawa ko nalang itong garnish. Nilagyan ko ng mukha yung apple, yung mga sumobra tinadtad namin at isinama sa mixture ng pastillas. Dudurugin namin yung napakuluang kamote tapos hahaluan ng malunggay, (at dahil apple ang main ingredient sa dessert) nilagyan namin ng apple bits at lalagyan ng condensed para may lasa. Palpak, nasobrahan sa condensed kaya hindi na namin mabi-bilog. Ang ginawa ko, niluto namin yung mixture. Tapos, nung medyo lumapot na, sinubukan naming tikman. Ang pakla! Buti nalang may nakita yung kaklase ko na all purpose cream sa harap ng stove. Kinuha namin 'yun at pinageksperimentuhan. So naglagay kami ng sapat lang. Tapos nung tinikman namin mukhang tumino yung lasa. Dinagdagan pa namin ng cream, ayun, masarap na. Akala ko hindi namin mareremedyuhan yung dessert e.
Ipe-present na namin yung dish. Ako kasi yung magpe-present sa judges kaya kinabahan ako. Hindi ko alam kung ano pa ang mukhang ihaharap ko kapag napangitan sila sa lasa ng dish namin. Ayan na, moment na namin. Binigay ko na yung "Sweet potato puree w/ malunggay". Kinakabahan ako kasi di ko alam kung anong sasabihin nila. Ang ine-expect ko kasi, negative. Tinanong muna ako, "Ano 'to?". E hindi ko pa alam kung ano tawag dun kasi on-the-spot lang yung dish at experiment lang talaga. So ang sinabi ko, kung paano namin niluto. Mukhang satisfied naman sila sa sinabi ko. Tinikman na nila, kabado ako, tinitigan ko talaga yung expression nila. Nagulat ako nung ngumite at sinabi sa kapwa judge na masarap. Nag-thank you agad ako at tumakbo sa mga kasama ko, tuwang-tuwa ako kasi nasarapan sila, samantalang kami, hindi namin ma-gets yung lasa. Haha. :)
Inuna nila yung 3 winners sa category ng 'Appetizers'. Hindi ko naalala yung mga nanalo sa category na 'to. Basta ang 1st placer ay ang 3rd yr Hope. Kakaiba kasi yung appetizer nila. Unique at mukhang masarap.
Dessert. Wala akong masabi e, basta nutritious daw yung desserts at may new taste daw na food. So, it means sa amin 'yun kaya natuwa na kami. :)
3rd place- 3rd year Hope or Faith. (Di ako sure e.)
2nd place- 1st year Obedience. [Apple Shake]
1st place- 2nd year Fidelity. [Sweet potato puree w/ malunggay.
Lastly, Main Course. Sabi dun sa nanalo, tender daw kasi yung pork at may sweetness from the ingredient, hindi daw galing sa preservatives. Hindi ko din kabisado yung placers e, pero yung 1st placer ay yung 1st year Obedience.
That's all for today. Marami pa kasi akong gagawin e. Magre-reblog nalang muna ako. Good Afternoon. :)