Ang kanser ng lipunan
Ito ay kabilang sa pinaka malaking problema sa mga bawat bansa na mahirap lutasan ngunit madaling kumalat. Ang korupsyon ay isang malalang problema na nakakaapekto sa ating lipunan, mula sa gobyerno hanggang sa mga ordinaryong mamamayan. Sa madaling salita, ang korupsyon ay ang maling paggamit ng mga pera o kapangyaran para sa pansariling interes o mga bagay na gusto nilang pag gastusan. Ang pondo na inilaan para sa kapakanan ng nakararami ay ninanakaw o ginagamit para sa pansariling kapakinabangan. Ito ay nagdudulot ng hindi pagkakapantay-pantay at kahirapan sa bansa.
May mga ilang uri ng korupsyon na nangyayari sa ating lipunan. Isang halimbawa na rito ang pagnanakaw ng pondo ng bayan. Ang mga pondo na nakalaan para sa mga proyekto ng gobyerno, tulad ng imprastruktura edukasyon, at kalusugan, ay napupunta lamang sa bulsa ng ilang tauhan.
Isa pang uri ng korupsyon ay ang pagbibigay ng suhol na katulad ng bagay o pera. Ito ay nangyayari kapag ang isang tao ay nagbibigay ng pera o regalo upang makuha ang isang pabor o espesyal na serbisyo at tiwala. Halimbawa, isang motorista ang nahuli dahil sa paglabag sa batas trapiko, ngunit nagbigay siya ng pera sa enforcer upang makatakas sa huli na iyon.
Ang korupsyon ay may malawak na epekto rin dahil maaari nitong maapektuhan ang ating bansa. Una na rito, ang pag ka wala o pag ka kulang ng mga pondo para sa mga proyekto ng gobyerno ay posibleng maging sanhi ng kakulangan sa mga edukasyon, kalusugan, at imprastruktura. Kapag ang pera na para sana sa mga paaralan, ospital, at kalsada ay nauurong, nagiging mahirap para sa mga mamamayan na makamit ang mga pangangailangan nilang ito lalo na sa mga taong nasa laylayan. Pangalawa naman, ang korupsyon ay nagdudulot ng pagkawala ng tiwala ng mga mamamayan sa gobyerno. Kapag nalaman ng mga tao na ang kanilang gobyerno ay hindi tapat at ginagamit ang kanilang kapangyarihan o pondo para sa pansariling kapakinabangan, nawawala ang tiwala, respeto, at suporta ng mga mamamayan.
Ngunit ito ay maaari pa rin masolusyunan kung ang mga namumuno ng bansa ay patuloy na nagsusulong ng mga hakbang upang labanan o maaaring pahinain ang korupsyon. Kabilang dito ang mga programa para sa pagiging bukas ng gobyerno sa paggamit ng mga pondo. Ang mga namumuno ng bansa ay hinihikayat na magsagawa ng mga anti-corruption campaigns upang turuan ang mga mamamayan kung paano iwasan at labanan ang katiwalian.
Ang korupsyon ay isang seryosong isyu na may malaking epekto sa pag-unlad ng isang bansa. Para lamang itong kanser na walang lunas ngunit kung pag sisikapan natin ay maaari natin itong malutas. Ang tamang kaalaman at pag-unawa ng bawat isa sa atin ay mahalaga upang mapigilan ang mga gawaing ito. Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, maaari nating maitaguyod ang mas maayos na lipunan para sa ating lahat.
https://www.scribd.com/presentation/431346299/KORAPSYON-pptx
https://www.scribd.com/document/383120538/Ang-Ugat-Ng-Korapsyon-at-Ang-Epekto-Nito-Sa-Lipunan









