Dumamping muli sa aking pandining ang paguusap nilang hindi ko nais na malaman pa. Sila muli ay nagsasagawa ng plano upang mapawi ang uhaw na kanilang dinadala, ang uhaw na pasulpot sulpot, ang uhaw na hindi napapawi kahit nang pinakamalamig na tubig na dumadaloy sa malinis na sapa. Batid kong naintindihan na ninyo, aking mga mambabasa, ang aking punto. Sa aking prinsipyo sa buhay, hindi ito tama sapagkat napapalaki nito ang sira sa puri ng mga biktima, at maling mali ang kanilang ginagawa. Kargo de kunsensya na lamang ang makapagpapabago ng kanilang isipan. Kargo de kunsensya. :(












