Kagaanan ng Dugo
Kaibigan Tila ika'y malumbay na naman Namamalas ang pighati sa mga mata 'pag iyong
titigan Ikubli man ito sa mga naglalakasang hagalpakan
Kaibigan Kung ano man ang mabigat na dahilan Kaya't bagahe mo'y tangan-tangan Iyo lamang itanim sa isipan Ang buhay dapat lang 'easy-han'
Kaibigan Di kailangang magpanggap sa harapan Ika'y wag na ring mag-alinlangan Sabihin mo mang 'ok lang', ika'y aking tunay na
nauunawaan
Kaibigan Kapag hindi na ito kinakayanan Wag nang magdalawang-isip na ako'y lapitan Magandang payo'y hindi ka man mabigyan Asahan mong makikinig at di ka iiwan
Kaibigan Maaaring isiping ako'y malayo sa katotohanan Ako siguro'y iyo pang tatawanan Ngunit ang ideya ng 'ikaw at kalungkutan' Kailan ma'y di nararapat yan!
Kaibigan Kung iyo lamang pagbibigyan, Kahit na tayo'y magkaalaman Ako sana ay iyong hayaan 'Panandaliang kasiyahan' kung ituring man Sa iyo ito'y walang ano'y ilalaan
Kaya, Kaibigan Kung nakikinig ka man Ako lama'y iyong tawagan Tayo'y mag-uusap at magtatawanan Sa ilalim ng nagliliwanag na kariktan ng buwan.
Isang ngiti naman diyan, Kaibigan! *Kindat*








