Nang Magtampisaw sa Apoy
Tinanong kita
“Bakit ka ba sa akin sumama?”
Ikaw lang ay tumawa
Usapan ay bigla na lang iniba
Ganyan ka ba talaga?
Pabitin lang at paasa?
Ayoko na sanang ulitin pa
Baka hindi ko na makaya
Ang sakit na noong una
Uulit-ulitin pa ba
Hanggang sa makuha?
Ganoon ba ako katanga?
Para isipin na may pag-asa
Ang tulad ko sa’yong nagniningning na tala
Sa mundo ay diwata
Ako pa ba’y lalaya
Sa’yong mahiwagang sumpa?








