Minsan parang okay din yung magbreak kayo eh. What labo =)) Eh di naman sa okay, parang yung good effect lang. Nung nagbreak kasi kami, suportado ako ng nanay ko sa lahat eh. January, nagpa-kulot ako ng buhok. Nagpabraces. Noong JS prom, bumili pa ako ng cocktail dress eh last year naman nanghiram lang ako. Pinayagan ako ng nanay kong sumagala. Tapos sa lahat ng gala, pinapayagan na ako ganyan. Parang sobrang luwag na sa akin. Siguro ayaw ng nanay kong makitang sad ako (?) WHAT. Naalala ko lang kasi si Annes nung binreak din siya binilhan daw siya ng DSLR ng tatay niya. Rich kid pota. Haha!














