how eunhae are alike <3
seen from United States

seen from Switzerland

seen from United States
seen from Yemen
seen from Canada

seen from Namibia
seen from Germany
seen from Oman
seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States

seen from Namibia
seen from United Kingdom
seen from Algeria

seen from United States
seen from Switzerland
seen from Türkiye
seen from Germany

seen from Brazil

seen from Germany
how eunhae are alike <3
Minsan parang okay din yung magbreak kayo eh. What labo =)) Eh di naman sa okay, parang yung good effect lang. Nung nagbreak kasi kami, suportado ako ng nanay ko sa lahat eh. January, nagpa-kulot ako ng buhok. Nagpabraces. Noong JS prom, bumili pa ako ng cocktail dress eh last year naman nanghiram lang ako. Pinayagan ako ng nanay kong sumagala. Tapos sa lahat ng gala, pinapayagan na ako ganyan. Parang sobrang luwag na sa akin. Siguro ayaw ng nanay kong makitang sad ako (?) WHAT. Naalala ko lang kasi si Annes nung binreak din siya binilhan daw siya ng DSLR ng tatay niya. Rich kid pota. Haha!
I WAS gonna work on cosplay.....
But my mom got an iPad yesterday
Ahoy! Kakauwi ko lang. Quota ako. Charot!
Nagkayayaan kami nila Cathy at Sean sa Infinitea dito malapit sa amin. Pagdating ko nandun din pala si Dom. Tapos nood daw sagala sa Tanza. Edi go. Naglakad lang hanggang Baritan, layo nun ah. Nagpunta kami kila Bryan kasi nandun pa sila sa bahay saka ni Pj. Dapat hindi ako papasok sa loob eh sinabi ata ni Sean, kaya pinapasok na rin ako. Nakausap ko yung mommy ni Bryan. Kinakamusta ako. Talagang umupo pa siya dun sa pagpasok sa bahay nila ah. Yung parang sala ganon. Ewan kung anong appropriate term dun. Niloloko pa si Bryan, magHi daw sa akin. Nag-usap kami tungkol sa college ganyan. Hanggang sa lumapit na si Sean dahil aalis na kami. Sabi ng mommy ni Bryan, "Sige, aalis na pala kayo. Next time na lang tayo magchikahan." May pahabol pa yan. Napansin niyang nagparebond ako. Tapos sayang daw kulot ko, bagay daw kasi sa akin. Ang close namin diba? Sayang talaga kami ni Bryan. Dyoks. Tapos nagpunta na kami kila Nichol. Ahem. Itong si Nichol yung nagustuhan ko after ng break-up namin ni Bryan. Ang landi ko po. Choth. De. Ano, para bang nung una kasi pinapakita niyang gusto niya rin naman ako eh kaso ewan. Nagbago ihip ng hangin. Buti na lang hindi ako na-fall. Nood sagala. Tapos nag-artihan. NagMcdo na lang kaming tatlo nila Nichol at Dom. Loko 'to si Dom inaasar ako. Quota raw. Mga lalaki noon sa buhay ko. WHAT! De, Bryan kasi tapos Nichol diba? Sabi pa nga kanina sa akin ni Nichol kanina, "Sayang kayo ni Bryan. Mag-iisang taon na dapat." Ina niyong mga lalaki kayo. Dyoks. Pero seryoso, wala akong naramdamang kilig kanina. Basta ang alam ko masaya ako sa buhay ko ngayon. What, send ko 'to kay Ate Charo.
Nakakamiss yung feeling na inlove. Hahaha xh3t.
Sa sobrang nakalimutan ko na yung lahat ng tungkol sa amin, ang naaalala ko na lang ay yung mga 1st week na nagkatext kami. Yung kung paano siya umamin sa akin. Ganyan. Nakakatuwa sobra kasi crush na crush ko siya, tapos crush niya rin pala ako. Naging MU at nagligawan for 4 months. First boyfriend ko si Bryan. Tapos iniwan lang ako. Nakakapunyeta lang. Hahahahaha. Tapos ang naaalala ko na lang din ay yung last 3 texts na siyang dumurog ng puso ko, nakikipagbreak na ang hudas. Ganda kong 'to? Tsaring! May closure naman kami. Sa school nga lang, uwian pa. Daming tao, medyo telenovela ang peg namin. Na naiyak kagad ako nakita ko palang siya. Hahaha depota lang. Pero ewan. Ineenjoy ko naman ang buhay ko ngayon na wala na siya. What. 4 months na rin naman kaming tapos. Minsan naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Kung namimiss ko ba siya o mahal ko pa (?) Lalo na ngayon may GF na siyang iba. :(
Nananadya ba o coincidence?
Kasi nagulat ako pagdating namin ni Sam sa Baritan, salubong agad ni Sean eh suot nga ni Bryan yung V-neck shirt na Christmas gift ko. Wala akong mata, ganon? Bulag ang peg? Haha. Edi inaasar naman kami na ganda raw ng t-shirt ni Bryan ganyan. Tapos nung nagpalit naman na siya ng damit pang-swimming, yung shorts na suot niya last summer na nagswimming kami yung suot. Noong nagbanlaw naman na siya kasi pauwi na rin maya-maya, yung v-neck shirt naman na suot niya rin last summer na nagswimming kami yung suot niya. Nananadya ba? Haha. Wala pa ring pansinan. As if naman ako pa unang mag-aaproach. Mahiya, please.
Throwback.
Natatawa ako. Kasi yung Cherry Mobile T2 na 6 months kong hindi nabuksan dahil lowbat at sira na yung touch, binigay ko na sa pinsan ko. Papagawa raw niya. Tapos pagbukas ito yung wallpaper:
Tapos gumawa naman ako ng description sa image. Bali kailangan ng HTML code kaya sinave ko sa Photobucket. Pagbukas ko naman ng account ko, ito agad yung nakita ko:
HAY NAKO WOOO HAHAHA.
Backread.
Nagbackread ako sa mga posts ko na nakatag. Yung mga tungkol sa relasyon namin. Ang ayos-ayos tapos 'di ko alam na hahantong lang lahat sa ganito. Na ganun na lang kabilis na palitan niya ako. Sabi ko sa mga kaibigan ko na kaibigan din niya, wag na akong kwentuhan ng tungkol sa kanya. Niloloko ko lang yung sarili ko eh. Kahit sabihin kong hindi ko na siya mahal, deep inside nasasaktan pa rin ako. Hindi man 100%. Nasasaktan ako kahit hindi dapat. Kahit ayoko na. Kahit pagod na ako. Nakakatawang isipin na yung lalaking nagpangako ng forever sa'yo, at ikakamatay daw pag nawala ka sa piling niya eh humihinga pa rin ngayon. :)