Last Saturday was our 7th monthsary. Nakahiligan na namin na mag surprise sa isa’t isa but nung dumating yung 5th and 6th months namin ng nagkakatampuhan kami kaya hindi na namin nagagawa yung dati. 3 days before bago mag 25 ay nakapagplan ako na nagawa ng cookies for him. Yun kasi yung madalas kong surprise sa kanya at kinikilig siya every time na ginagawa ko yun sa kanya. So gumawa ako ng vanilla sugar cookies at oatmeal raisin cookies then bumili ako ng coin bank na magkaibang kulay. Nung day na yun sabi ko sa kanya na may pinapasuyo si mama na ihatid kay Kuya tapos siya yung magbibigay dun.(pero syempre joke lang yun) Pumunta siya sa pinadalhan after 30 minutes pinabuksan ko sa kanya yung bag then napa “awwwww <3" siya (magkausap kami sa phone habang binubuksan niya yun) tapos binasa niya din yung letter. Sobrang saya niya nung time na yun.
Kahit ako sobrang saya ko kasi napasaya ko siya in my own little way. Na kahit malayo kami sa isa’t -isa ay napaparamdam ko na love ko siya. Sa isang relationship, kelangan hindi lang ikaw o siya yung nag eeffort sa inyo. Give and take process yan para maramdaman ng bawat isa na hindi one sided lang ang relasyon niyo at para mas tumibay ang relationship. :)









