Nakakahiya ka beh
Kanina kasi nakicontest kami para sa Math Fest. Habang nasa sasakyan kami ni Paulyn may ibang motibo na kaming naiisip hahahaha. Dahil nga contest syempre maraming schools ang kasali. At maraming schools means maraming pogi! Hihihi. Odi nong nasa social hall na, palinga linga kami. Nakakita kami ng gwapo, si koyang nakabrown shems beh chinito. ♥ Bat ganon friend. Pag sa blackboard, anglabo ng mata.Pero pag hanapan ng gwapo, aba clear view ateng! Nakakturn off lang si koyang nakabrown kasi pagkaharap marami palang pimples. Pinaupo na kami sa likod. After ilang minutes nakaspot si Pau ng gwapo. Ermerged nakaside view. Nung humarap lychee nabawasan ng points ihihihihi. Sana side view nalang siya! Umupo sila nung schoolmates niya sa gilid namin di kitang kita. Si pau type niya tyaka may itsura rin kasi. Sabi ko, picturan niya. Ang gaga nahihiya raw. Kaya kinuha ko yung phone tas pasimpleng pipicturan. Yung tipong kunware nagseselfie ka sa front cam pero iba na pala punterya. *laughs* Ayun na. Ngiting ngiti na ako. Tapos nung pagkaclick ko sa cam button, FUN YEAH THE NAGFLASH. SHET KAHIYA FRIEND. SABI NUNG KAKLASE KO 'AY NAGFLASH' AMBISYOSA HUHUHU NAKITA ATA NG SCHOOLMATES NI KUYA KAYA TUMAHIMIK NA AKO. Tawang tawa parin sila pero hiyang hiya na ko. NAKAKAHIYA KA ELLE!







