Yung feeling na kahit kami lang ni Coco yung nakasama sa aming magkakaklase na YFC masaya pa din, kahit na alam namin ni Coco na mas magiging masaya pag kasama yung iba. Sayang lang talaga kasi hindi sila mga pinayagan. Sayang yung chance. Gusto kasi namin na sama-sama kami pag mag coconference, pero wala e. :(
Pero kahit na ganun... Sobrang saya kasi madaming bagong nakakilala tsaka nakaclose. Kahit na sabihin nating sobrang nakakapagod, enjoy na enjoy naman. Madaming bagong experience. :) Kahit nakakapaos yung Praise Concert dahil sa dami nang kinanta. Kahit napaiyak na ako. Kahit na sobrang nahihilo, nasusuka't di na ako makahinga, tuloy pa rin talaga ako.
Yung session. Sobrang nafeel ko. Dahil dun sa isang group ng family na nagshare, naiyak ako, nainggit ako. Sa lahat ng nagshare, feeling ko ganun din ako pero in other way naman. Ewan ko ba, feeling ko talaga ganun e. Isa pa sa mga iniyakan ko nung nagreflection nung umaga. Greatest fear ko? Mawala parents ko. :( Tulo na ng tulo yung luha ko pero punas lang ako ng punas habang nakatungo kasi ayako na makita nila akong umiiyak.
Dahil sa sama ng pakiramdam ko kahapon nakita ko kung pano sila nagcare para sakin kaya alam ko na maasahan ko sila. Yung pagsabay nila sa trip ko, yung sasamahan nila ako tumawa dahil sa kalokohan ko, yung sabay sabay nila ako pagtitripan, yung papaypayan nila ako, yung papasandalin nila ako, yung papaupuin nila ako. Lahat ng maliliit na bagay na ginawa nila sobrang naappreciate ko. Kahit na may pagkamatamlay tsaka may pag ka-kilos lalake ako kahapon, andyan pa rin sila. Ang sarap sa pakiramdam kasi andyan sila para magcare sakin, pati na rin sa iba.
Sobrang thankful ako kasi andyan yung YFC Family.