BLOG 2: Noong nag lalakad ako sa school may nakita akong bampira ....may video pa sa Blog 3 abangan

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United States

seen from China
seen from Canada
seen from Yemen

seen from United States

seen from Türkiye
seen from United States
seen from China

seen from United States

seen from United States

seen from Canada
seen from United States
seen from China
seen from Australia
seen from United States
BLOG 2: Noong nag lalakad ako sa school may nakita akong bampira ....may video pa sa Blog 3 abangan
On the way pa title neto.
Hi hello kamusta hahaha. andito ako ngayon maglalabas ng sama ng loob charot echos hahahaha as if namang may magbabasa neto. LOL. so eto na. ehem.
Matagal ko ng naisip na gustong itanong sayo kung may bago ka na bang mahal, pero inuunahan parin ako ng kaba at takot baka kase pagtawanan mo lang ako. Hindi ako sanay na maging ganun sayo, sweet whatsoever chuchu. haha kaya medyo naiilang ako. Pero ewan ko nung nakitang kong nag uusap kayo ng taong gusto mo medyo nagselos ako at natakot baka sya nanga yung para sayo. Alam kong hindi maiiwasan na magkagusto ka sa iba, at ako rin. Malayo tayo sa isa’t-isa at walang kasiguraduhan kung tayo ba talaga o hindi. Sinabe ko yun sa isang kaibigan ko, na malay mo magkakagusto ka sa iba at ako rin magkagusto sa iba at okay lang yun. Pero kinain ko lahat ng sinabe ko, di ko alam hindi kase ako mapakali kaya naisip kong tanongin ka kung “Gusto mo sya” yung taong sinabe ng mga kaibigan kong crush mo daw at may plano kang ligawan siya. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba yung sinabe ng mga kaibigan ko, kaya di ko natiis at natanong kita kase gusto ko ng sagot sa tanong na bumabagabag sa puso ko. Nung time na yun kinapalan ko na pagmumukha ko, alam kong di ka sanay at hindi rin ako sanay pero wala na akong pake kung ano man ang sasabihin mo. Gusto ko lang malaman kung “Gusto mo siya” at sinagot mo naman akong “Hindi bespren ko lang yun oy”. Medyo nawala yung pagka bothered ko pero medyo napapaisip parin ako, hindi nga ba talaga? Sana malapit nalang ako sayo, sana ako parin ang gusto mo pero ayoko ring pagpilitan ang sarili ko. Akalain mo yun ikaw parin hanggang ngayon kahit na magkalayo tayo. May mga nanliligaw naman sakin pero ni isa sa kanila wala akong sinagot kase alam kong may mahal akong tao. Is this really love? Sabe nga nung isang kaibigan ko. “Okay lang yan, kung kayo talaga para sa isa’t-isa edi kayo walang makakapagpigil. Maybe it’s not yet the right time pero I’m pretty sure that Father God is too busy creating your love story”. Tama naman siya, may tamang taong nakalaan sakin, hindi ko to dapat problemahin kase dadating at dadating din siya. Ang aking lang ngayon eh yung mag focus sa studies at makapagtapos. Sabi nga ni mommy “Lahat ng hirap mo yanyan, magbubunga din yan konting tiyaga lang at sikap para maabot mo pangarap mo”. Ang saya ko kase kahit papano may mga taong nagmamahal sakin at nagpaparamdam na di ako nag iisa. Kung tayo talaga para sa isa’t-isa edi tayo, pag hindi edi hindi. Sa huli malalaman din natin. Ang haba ng drama ko hahahahaha, sana pag nabasa nyo to hindi kayo mabored. LOL. Sa susunod ulit! :)
Had a great time with this friend. After 15 years nalibre ko din sya sa Infinitea achievement unlocked lol.
Natuwa ako sakanya, kasi namiss nya ako tapos naalala nya ako nung time na depressed ako grabe... Haha nagulat ako na minessage nya ako bigla. Madami akong utang na kwento at libre talaga sakanya eh lalo na at gumraduate na nga sya at lahat lahat pero hindi ko pa siya kinikita hahaha kaya ayun nagkita na din kami finally~
Dami naming pinag-usapan, kulang pa nga yung oras namin na magusap eh at syempre may part two, three at marami pa yan :))
Nakakagaan lang ng loob na may mga taong nakakaalala sayo sa mga panahong akala mo wala ka ng silbi sa mundo keme haha ang drama.
NGAYON KO LANG NAMAN KASI NALAMAN NA MAGALING SYA KUMANTA HAHAHA! ANO BAAAA. KINIKILIG AKO HAHAHAHAHA!!! NAKAKAKILIG NAMAN KASI YUNG BOSES E. ILANG BESES KO PANG PINE-PLAY HAHAHA. #CREEPER sorry. Haha You literally made my day pilosopogyno. Kailangan ko 'tong iblog. Must blog. I mean follower talaga nya talaga ako since 1st yr college ako dahil kay kuya. Nagbabackread ako ng blogs nya before. Pero talaga. Yung nagrespond sya sa comment ko e tapos nilike pa nya comment ko... Grabe KQKKKVSHADIAMAHQHAQB FEELING XD. Nakangiti na uli ako na parang tanga haha. Lately kasi ang initin ng ulo ko, moody at naabno na sobrang lungkot. Dahil sa reply nya sa comments ko okay na uli ako hahahaha!!! Nakakatuwa lang how simple actions/ gestures can make people happy :)) DI AKO MAKAMOVE ON SA SAYA NAKANGITI PA DIN AKO HANGGANG NGAYON XD THANKS AGAIN KUYA GYNO! AABANGAN KO PA MGA KANTA MO ;))
Blue Moon
Actually nakita ko yung blue moon pagbaba ko ng tricycle pagkauwi ko galing school kasama ngThe Feather Friends...
Hindi man sumulyap yung buwan samin ng magkakasama kami.
Pero nakita ko yung buwan ng ako nalang...
Sabi nila kung sinong kasama mong makita yung bluemoon eh sya na yung makakasama mo paghabang buhay...
Kasama ko yung sarili ko haha...
Mukang kami nalang ang mag-aasahan sa isa’t-isa.
Ako ang sarili ko hahaha. PANGHABANG BUHAAAAAAAAAAAAY.
Be the superhero of your own life. Save yourself when nobody else will.
Hindi mo kailangang ipaintindi at hindi ko rin kailangang intindihin ang tunay mong ugali. Mas nanaisin ko pa na ipakita mo ang tunay mong ugali sa akin. Hindi kasi ako yung taong kikilalanin ka pa bago ka husgahan. Kaya hindi ako naniniwala sa konsepto ng "Don't judge the book by its cover" Aaminin ko mapanghusga akong tao. Kasi yung mga bagay na ipinapakita mo at nakikita kong ginagawa niyo, doon ko na kayo nahuhusgahan. Sorry pero ganoon talaga ang pananaw ko. Inuulit ko, hindi ko kayo kailangang intindihin
Yung hinaing ko kanina sa Group Dynamics subject namin kanina sa mga nagsabing naniniwala sila na "Don't judge the book by it's cover" bilang kasabihan nila sa buhay nila.
Eksena sa jeepney kanina.
Nasakay ako kanina sa jeepney. Nasakto pang nakatapat ako sa couple. Tapos ang sweet sweet lang nila, holding hands lang buong oras nila. Hindi sa naiingit ako pero pwe 💁 , haha naiinis lang ako! HAHA Tapos balak ko pa sanang sabihin na , "Ang corny niyo po at isa pa walang Forever kuya at ate" Di ba nga medyo may tama na rin ako kanina nung nasakay ako, buti na lang talaga napigilan ko yung sarili kong hindi gawin yun pero kung nainis talaga ako, gagawin ko talaga yun! HAHA