May grace period pala ang depression at anxiety. Hindi ko alam na meron palang allotted time para dun at nag eexpire din. Na kung pinilit kong magbago magagwa ko na siya. Yung baby steps na inaasa nilang gawin ko, malaking hakbang para sakin. Bakit hindi nila kayang intindihin yun? Kasi 'ang arte ko', kasi 'mahiyain ako masyado', kasi 'para akong tanga', kasi 'matakutin ako'. Hindi ko maintindihan. Parang mas magandang hindi ko inamin na meron akong depression, kasi 'meron naman tayong lahat ng ganyan'. What makes mine different? Laging kinukumpara depression at anxiety ko sa ibang tao. Eh hindi naman ako sila. Porket pareho kaming tao, pareho kaming depressed at may anxiety, ay ibig sabihin pareho kami ng nararamdaman at paano namin hina-handle yun. Lagi nalang ako kinukumpara. Pwedeng wag?













