May official date ba ang simula ng summer? Sa panahon ngayon at sa tindi ng global warming, minsan hindi mo na alam kung kailan mo mararamdaman ang sobrang init o di kaya naman ang pagdating ng bagyo. Sa ating mga pinoy, basta sumapit ang buwan ng Marso, alam na ng lahat na umpisa na ng summer.
Ako? Basta maramdaman ko na sobrang init at napaka sakit na sa balat ng araw, summer na. Pero masasabi kong “REAL SUMMER VIBE” na kapag nakatapak na ko sa buhangin habang humahampas sa mga paa ko ang tubig dagat. That’s one of the nicest feelings in the world! Ever since talaga mahilig ako sa beach. At hindi kumpleto ang taon ko kapag hindi ako nakakapunta sa kahit isang beach man lang.
Bago matapos ang 2015, nag book na ko agad ng El Nido trip kasama ng mga kaibigan ko. And yes, unang linggo ng Abril ngayong taon mararanasan ko for the first time ang dagat ng Palawan. Can’t wait for it! And it will be the first mark of my summer 2016.
Kung buhay ang mommy ko, El Nido trip is enough. Hindi na niya ko papayagan pang maglakwatcha. But not because she’s gone means I have the power to go to places anytime. Aba syempre! Budget wise din. Sa ngayon bummer ako. Umaasa lang ako sa ipon ko. Pero dahil sa sabik na sabik ako mag unwind at mamasyal, nag book na rin ako ng Boracay sa June at December. Hahaha! Tapos may Baguio trip pa ako ngayong April din. Certified lakwatchera lang!
I was born to travel and enjoy everything that life has to offer. Basta may opportunity to travel, grab lang ng grab! And the best way to travel is to be with fun people. Though gusto ko sanang masubukan ang pagiging solo traveller, pero natatakot ako. Siguro pag naka upo na sa posisyon si Rody Duterte, hindi na ko matatakot gumala mag-isa.
So yes, four sure trips for 2016. Still planning to go to Dumaguete, Mindoro, Bohol and Batanes before the year ends. I wanna discover the beauty of our own country first. Pero wish ko na mag celebrate ng quarter life ko abroad. Pero bahala na.
Kayo? Saan ang summer destination niyo?