Hi, yes, hello? Umm, I'm awkward as fuck, but I write poetry and stories and take some cool pictures. I guess???? Enjoy. Or don't. It's up to you, I guess.

seen from Poland

seen from United Kingdom

seen from United States
seen from Germany

seen from Brazil
seen from United States
seen from China

seen from Singapore
seen from China
seen from Germany
seen from South Korea
seen from China
seen from Uzbekistan

seen from Uzbekistan

seen from Malaysia

seen from United States
seen from Portugal

seen from United States

seen from United Arab Emirates
seen from United States
Hi, yes, hello? Umm, I'm awkward as fuck, but I write poetry and stories and take some cool pictures. I guess???? Enjoy. Or don't. It's up to you, I guess.
Akala ko lang pala
Akala mo hindi mo kaya Akala mo suko ka na Akala mo wala ka nang pag-asa Akala mo pagsuko nalang ang tanging solusyon. Akala mo pag-alis at pagtakbo nalamang ang dapat mong gawin. NGUNIT, Hindi. Hindi pagsuko ang tanging solusyon, Hindi rin pag-alis, at pagtakbo sa mga problema ang dapat mong gawin. Kaibigan, harapin mo ito. Harapin mo ang mga problemang sayo'y nagpapahirap at nagpapabigat. Harapin mo ito at huwag kang papatalo. Huwag mong hayaang lamunin ka nito ng buong buo. Huwag mong hayaang ang mga ito ang magdikta ng kung ano ang kahahantungan mo. Huwag kang magpapadala sa mga tao na humihila sa iyo paibaba. Huwag ka ring magpapaimbulog sa gulo ng iyong kapaligiran. Dahil kaibigan, ikaw at ikaw lang ang bubuo at mangangarap sa sarili mong patutunguhan. Ikaw ay ikaw lang ang maniniwala sa mga mithiin at pangarap mo sa buhay. Ikaw at Ikaw lang ang gagawa ng paraan upang ika'y magtagumpay. Ikaw at Ikaw lang, kaibigan. Ngunit kung sadyang napakabigat na talaga at ginawa mo na ang lahat, Ngunit hindi pa rin ito naging sapat, kaibigan, tumawag ka sa Kanya. Tumawag ka at mapagkumbaba Tumawag ka at sabihin sa Kanya ang lahat ng iyong pasanin. Tumawag ka at magtiwalang ang lahat ng iyong problem mo ay mareresolba. Magtiwala kang ang lahat ng hindi mo kaya ay maglalaho na parang bula. Magtiwala kang ang lahat ng akala at hindi mo sigurado ay mawawala. Magtiwala kang bawat sakit, bawat kirot at bawat pighati'y mapapawi. Magtiwala kang ang bawat patak ng iyong luha'y Kanyang papawirin. Magtiwala kang hindi ka na mahihirapan pa. Magtiwala ka sa Kanya kaibigan. At pag ika'y nagtiwala, lahat ng akala mo'y mapapalitan ng; Kaya ko pala. Kaya ko pa lang hindi sumuko. Kaya ko pa lang sagutin ang bawat madali at mahirap na tanong ng aking guro Kaya ko pa lang ipasa ang bawat pagsusulit Kaya ko pa lang makakuha ng matataas na marka sa bawat asignatura. Kaya ko pa lang hindi tumakbo sa aking problema. Kaya ko pala silang harapin. Kaya ko pala. Kaibigan, ito ang SHS Ang panahon kung saan unti unti na tayong bumubuo ng ating pangarap. Ang panahon kung saan dapat tayong maging matibay. Dahil ang SHS ay isang Samahang Hindi Sumusuko. Kahit gaano kahirap ang ating problema, kahit gaano kabigat ang mga pagsubok, Hindi tayo susuko. Ang lahat ng akala ay akala lang pala. Dahil ang totoo ay, kaya ko pala. Akala ko lang pala. Critique pleaseeee. Spoken Poetry po sana ito. I need critique po talaga. For improvements.
Already ate most of it before I could take a decent picture. With Brian and Bella. #carmensbest #icecream #nomore #somehipstershit #lameattempt #food #sweettooth #diabetes #exerciseyourmouth #exercise