Masaya ka na ba? Nakuha mo na ba lahat ng gusto mo? Worth it ba na saktan ako? Sana nga.
Cause I’m okay now. Kahit na gusto pa rin kita umuwi, kahit na gusto ko pa rin mayakap ka, kahit na gusto ko pa rin makita yung mga ngiti mo. Kung ang kapalit nun, mawawala na naman yung sarili ko, magpapakababa na naman ako para lang maging perpekto sa paningin mo, natatakot na ako.
Sinasabi ko sa lahat na okay na ako. Pero alam ko na hindi pa rin ako okay. Not by a long shot. Kasi nahuhuli ko pa rin yung sarili ko na umaasa na uuwi ka na. Na magpaparamdam ka na sa'kin. Pero hindi na tulad ng dati na halos ikamatay ko na di ka magtext o hindi ka magparamdam sa'kin. Tinitibayan ko lang loob ko, kasi wala na akong ibang kakampi eh.
Kaya ko ng ngumiti ngayon, kasi yan naman gusto mo di ba? Yung maging masaya ako ng wala ka? Hanggang ngayon, sinusunod ko pa rin yung bilin mo. Ang dami kong gustong ikwento sa'yo. Ang dami kong gustong ibigay sa'yo. Alam mo ba, may pangbukas na tayo ng business. Kung uuwi ka lang sana. Yakap yakap ko pa rin yung damit mo sa gabi. Iniisip ko pa rin na makakasama pa kita. Kung makakatiis lang ako ng ilang araw pa.
Pero unti unti na akong bumibitaw mahal. Konti nalang, bibitawan ko na rin yung mga gamit na pinundar natin. Konti nalang, itatapon ko na lahat ng makakapagpaalala sa'kin ng buhay na meron tayo.
Alam ko na ikaw yung nag-aanon sa'kin. Wala naman akong ibang ka-close dito. Wala naman ibang magmemessage sa'kin ng ganun. Hindi ko lang alam bakit mo pa ako minemessage ng ganyan.
Mag-iingat ka palagi babe. Miss na kita. Pero alam ko kaya mo sarili mo. Nandito lang ako palagi para sa'yo. Kahit na alam kong di mo na ako kailangan. Mahal na mahal pa rin kita. I can't unlove you. I won't unlove you. I will wait for you. Maghihintay pa rin ako. Kahit wala na akong hinihintay.
Ang gulo ko no? Basta ang alam ko lang, gusto ko ayusin yung buhay ko. Bumalik ka man o hindi, maayos ako. Kakayanin ko, kasi yan bilin mo.