Feeling ko ang ganda ganda ko dito. Di ako nagmukhang haggard. Salamat sa head ng make-up artist na hinatak ako at sa Relans kahit super delayed na yung soft copy ng toga pic ko. :)
seen from Yemen
seen from United Kingdom

seen from United States
seen from United States
seen from Morocco
seen from Malaysia
seen from China
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Italy

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from Malaysia

seen from Poland

seen from United States
seen from United States

seen from Morocco
seen from United States
Feeling ko ang ganda ganda ko dito. Di ako nagmukhang haggard. Salamat sa head ng make-up artist na hinatak ako at sa Relans kahit super delayed na yung soft copy ng toga pic ko. :)
So dito umikot ang mundo ko nitong mga nakaraang linggo.
Pagpoproseso ng graduation. Matinding pila ginawa namin ni Ange dito potek. 2 days magdamag ang ginawa naming pila. Pero nung 2nd day di na sya sumama kasi suko na sya sa pila.
Trabaho! Mabuti na lang at napaka-understanding ng mga empleyado sa trabaho ko. Willing sila mag-OT/change rest day para lang maasikaso ko on-time lahat ng dapat ayusin sa skul.
Syempre kay Ange din, na-meet ko na parent (yes, parent. Mama niya lang) at grandparents niya. It went awesome! Pagtapos ako imbitahin sa Sambokujin for lunch, nakisuyo siya na bantayan muna namin yung mga kapatid niya dahil magbabayad silang mag-asawa ng tuition ng mga bata. After nun, dun na rin ako pinakaen ng dinner ni tita. Tita na lang daw itawag ko sakanya, wag lang daw mama dahil baka mapatay niya ko. At kadaldalan ko na agad yung lola niya dahil parehas kami mahilig sa antigong bagay. Honestly natuwa talaga ko sa lumang kama nila. :)
At syempre, sa pamilya ko. Bale etong bonding na lang ang nagiging pahinga ko. Daldalan sa mga kapatid, power trip kasama si dadi against kay mama.
Babyahe na ngayon si Ange pa-Bora. Sana palarin talaga siya na makahanap ng trabaho dun. At sana ako din. Kasi kung may hotel na tatanggap sakin dun as Room Attendant, dun na ko. Di sa gusto ko makasama araw-araw si girlfriend, dahil gusto ko talaga makaipon ng experience sa 4 o 5-star hotel kasi yun ang kailangan para makasampa ka ng cruise ship e. 2 years experience at a 4 or 5-star hotel to be exact. Nakakatuwa lang din kasi si Tita Olive (mama ni Ange) kasi sabi niya mismo, siya mismo nagsabi ah, ililibre niya ko ng roundtrip tickets to Boracay by June. Uhm, bali pagbalik niya dun ulit. Syempre ako nung una, di naniniwala. Hanggang sa sinabe na nga mismo niya na sagot na raw niya yung ticket. Di baleng lean season, basta makatapak ako sa pinong buhangin ng Boracay! De joke lang. Chance ko na rin yun magpamudmod ng resume sa mga hotel at makita si girlfriend. :D
Pictures pictures and pictures. Ayaw mag-upload sa Tumblr! O basta yun na. Sana talaga may magkamaling tumanggap samin sa mga hotel na pinasahan/papasahan pa lang. Pagbubutihin ko po talaga ang pagkayod promise.
Coffee! Is the planet shaking or is it just me?
I bought this book awhile ago. When I first entered the book shop, I smiled. That was the first realistic smile that I have done today. I just hope that I would be satisfied with what I bought.
Inggit na ko sa ibang nagpopost na ng mga toga at formal pictures nila! Shet. Haha. Kami sa April pa lang magsisimula magpa-picture dahil sa sobrang dami ng gagraduate. At tsaka, sana talaga magka-medal ako, bago man lang makalayas ng Peyups. May 10 ang Graduation Day! 5 days bago ang birthday ko naman. Excited na ko mag-formal at toga pic. :D Sarap lang gumraduate tapos may trabaho ka na. Although wala ka ng bakasyon. Ayos lang. May pera naman ako pangkaen ko ng madaming pagkaen. Hahahaha.
Telling your parents that you're gay is way more difficult than telling them that you are pregnant when you're really a gay girl. Haha! Shit this.
Mas masakit pa sa binunutan ng bubog sa paa yung mga anak na nawalan ng magulang. Wala pa nga yata sa kalingkingan ng kuko mo yung sakit sa bawat segundong pagmumuni muni mo sa pagtanggap na wala na siya, o sila. O kahit sino man sakanila. Pero sa tingin ko, mas masakit kapag nawala ang haligi ng tahanan niyo; ang nanay. Kadalasan, ang nanay ang mas malapit sa mga chikiting. Dahil malambot ang puso nila, ayaw na ayaw nilang nakikitang nasasaktan ang anak nila, mas malapit sila sa mga bata ng pamilya. Tipikal na ang pangungutya ng iba na Mama’s boy si ganito, si ganyan. Hindi kailanman matutumbasan ng sinuman ang nagmamala-pulot pukyutan na pagmamahal ng isang nanay. Unconditional talaga. Walang sabi sabi. Isusubo nalang niya ang pagkain, ibibigay pa nya sayo ‘to. Aminin mo, mabalitaan mo lang na nauntog sa ilalim ng hagdanan niyo ang nanay mo, mag-aalala ka na ng sobra. Aminado ako, masagap ko lang na masama ang pakiramdam ng nanay ko, itetext ko agad siya. Kahit wala sa itsura ko na mahal ko ang nanay ko. Kahit gaano ka pa kasiga at kabalasubas, isang tao lang talaga ang makakapagpahina sayo, yun ay ang nanay mo. Ni ayaw mo nga dapuan ng langaw yan eh. Dahil gusto mo, komportable sa lahat ng bagay ang nanay mo. Aminin mo rin, ang pinakaunang pangarap mo eh maiparamdam mo sa nanay mo yung ginhawang pinatikim niya sayo noong nag-aaral ka pa lang. Ako, yan ang pinakauna ko talagang goal pagtapos ko mag-aral. Pano na kaya kung nawala siya? Daig ka pa ng binasted ng nililigawan mo ng mahabang panahon. Masakit. Masakit.
Shabu pa daw! Haha!
Last day sa OJT @ LPL Suites, Front Office Department
Rest day bukas.
By Friday, back to Houskeeping Department. Absorbed na, kaso Casual Employee lang. Ang lakas maka-chick ng bagong uniform. Parang ang hirap mag-beddings kapag nakapalda. Takaw manyak-guest lalo. Lol.