“And if our God is for us, who can be against us?” -Romans 8:31
To my forever “Man of my Dreams,”
Simula nung pinakasalan kita hanggang sa mga oras na ginagawa ko to hindi ko masasabing ni minsan hindi ko naisip kung bakit ikaw ang lalaking pinili ko pero ni minsan hindi ko pinagsisihan. We have a lot of fights and misunderstanding pero mahal kita. Palagi kitang mahal. Gusto kong malaman mo na grateful and blessed ako dahil ikaw ang niregalo sakin ng Diyos. I won’t regret choosing you as my forever partner.
This past few days lagi akong nag e-emote, pakiramdam ko hindi ka na tulad ng dati. Hindi ka na malambing, hindi ka na gentleman sa akin, minsan may pagkakataon na napapahiya mo ako, hindi ka na masayahin pag ako ang kaharap mo. Madalas, mainit ang ulo mo pag ako ang kausap mo. Na-miss kita. Na-miss ko tayo.
Then one day I woke up with a realization na meron kang problema (you know what I mean).
Flashback:
September 8, 2018 when I told you this:
“Simula ngayong araw na to ibibigay ko sayo ang puso ko ng buong buo at pangako kong sabay tayong maglalakad sa buhay na nag iintay sa atin ng magkahawak ang mga kamay”.
Hindi ko nakalimutan mahal, hindi ko kinakalimutan. For better or for worst kasama mo ko. Kasama mo kami ni Lord.
You can always count on me mahal. I’ve got your back and always remember my wedding vow, “From this day forward you shall not walk alone, my heart will be your shelter and my arms will be your home.”
I love you.











