Fiesta sa Bayan!
Wala talaga akong balak lumabas kasi sobrang daming tao sa labas at alam ko tuwing fiesta palagi akong ginagabi ng uwi as in gabi! Tapos eto si tin nagyaya lumabas ng mga hapon at magpapahenna daw si malandi pag kita namin kay len aba nakigaya rin! Gustong gusto ko nga tikman yung sans rival ng mcdo kaso ayaw nila kaya nag milktea na lang kami sobrang tagal namin dun kwentuhan lang eh kakain lang daw si tin kaya pumunta muna kami kila len tapos nakita namin si ano.. um klarence. nakwento ko na yun sa blog ko nito lang so ayun parang kanina lang pinag uusapan namin siya syempre awkward alam kong may something kasi sobrang lungkot niya pero ayoko na lang pag usapan yun hmm tapos biglang may gulo! banggaan shimini sa tapat ng bahay nila len ewan ko kung alam to ni tin hindi ata haha! hanggang sa sobrang dami na naman namin dun sa park! Isa si Rigel sa mga higher batch namin na masarap din kasama sa mga galaan tas nood saglit battle of the bands nakita namin si inna kaso err off ata siya samin anyway, sobrang daming tao talaga at ang init init init pa kahit gabi na! kaya dun na lang kami tumambay kila len then there’s Ms.Joy!! Dati namin siyang coach sa volleyball at staff sa school. Sabihin na natin #YOLO siya kaya napapakwento siya samin as in sobrang sabog niya kaya tawa kami ng tawa. Pag alis ni ms.joy dumating si ben! pag alis ni ben dumating si joanna! pero seryoso natakot ako sa “Uy wala akong balita sayo ah. Introvert?” damnsht. pero parang may alam siya na ano basta! tapos dumating si ardie isa pang laughtrip kausap! Ay jusme anong oras na ko nakauwi. So ayun, pasensya na kung mahaba.








