We were soul deep in love our souls loved one another long before we ever knew this was a once in a lifetime love. One we cannot undo.
-N.R. Hart *

seen from Germany
seen from Saudi Arabia

seen from Germany
seen from United States
seen from Ecuador
seen from United States

seen from Türkiye
seen from China

seen from Ireland
seen from Yemen
seen from United States
seen from Chile

seen from Singapore
seen from Russia
seen from Russia
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Russia
seen from Türkiye
We were soul deep in love our souls loved one another long before we ever knew this was a once in a lifetime love. One we cannot undo.
-N.R. Hart *
Girlfriend
Balak ko pag dumating kana bubusugin kita sa mga song albums every week or month, hindi yung mahal at mga bago ha? Kundi mga binurn ko lang na mga songs bago man o luma na mga kanta syempre may sulat na kasama yun, kung ano ang description ng mga songs na nakalagay dun na may connection sa atin o basta kung bakit trip kong ipakinig sayo. Sa panahon kasi ngayon narealize ko na hindi na natin masyado napapahalagahan ang mga kanta at mga messages lalo na sa technology age na ito, mga hard drive na sisira, mga photos nabubura, messages nawawala pwedeng nasira phone o nanakaw diba? Pero ang mga cd na may kanta at mga sulat siguro hindi? Balak ko rin mag padevelop ng pictures natin every month para may tago tayo sa mga photo albums syempre kaya nga kita syosyotain kasi gusto kita pakasalan para pag dumating ang panahon na maging magasawa tayo at magkaroon ng mga anak may mga evidence tayo na mahal na mahal mo ako at habol na habol ka sakin hahahaha Ayon!! Balakajan kung nasaan ka basta ingat lang at enjoy mo buhay mo tulad ng sinasabi ko palagi sa mga tao, mapakaibigan o pamilya ko palagi akong enjoy lang kasi ayoko mahirapan sila tulad ko hahahaha Kaya ikaw ha? See you soon!!!
Future Girlfriend
Hintayin mo akong maging tamang tao pati magkaroon ng sariling bahay at sasakyan ✨💕
I miss you love. I miss you so much. Alam kong wala na akong karapatan sayo. Alam kong matagal na tayong tapos pero ang sakit pa rin ng nangyare sa atin. Kasalanan ko kung bakit napagod ka sakin at kung bakit nawala ang pagmamahal mo para sa akin. Pero palagi mong tatandaan na minahal kita ng sobra. Sayo ko lang na ibigay ang buong ako yung Jeuz na totoo, nakilala mo yun. Lahat ng kabutihan at kasamaan na meron ako alam mo. Buong pagkatao ko nalaman mo halos. Salamat sa lahat. Salamat kasi minsan minahal mo ako ng sobra. Salamat kasi nung nawawalan nako ng pagasa sa buhay dumating ka upang pasayahin ako, samahan ako at maranasan ang mahalin rin ng ako mahal ko. Kanina ko pa tinitignan ang mga larawan natin sa fb at sa ig ko. Masakit pa rin pala hanggang ngayon. Masakit kasi nawala sakin yung taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin, intindihin at pasayahin ako. Mahal napakasakit. Sobra. Salamat kasi napatawad mo na ako. Siguro ako naman sa sarili ko, pagsusumikapan kong patawarin rin ang sarili ko. Mahal kung may nagawa ka man sakin matagal na kitang napatawad kahit noon pa. Sa tuwing nasasaktan mo ako tandaan mo after kong maramdaman ang sakit napatawad na kita agad. Mas mahal kasi kita kaysa sa sakit na nadudulot mo sa akin simula pa noon. Mahaba-haba rin ang naging kwento nating dalawa kahit di tayo umabot ng tatlong taon. Sayang 10 araw na lang dapat tatlong taon na tayo. Baby sobrang hirap na hirap na ako sa lahat lahat. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa. Hinang hina na ako. Simula nung nawala ka wala na akong maintindihan sa lahat. Palagi kong pinagdadasal sa Diyos na maging ayos na ako pero ang hirap mahal. Ngayong pagkakataon na ito gusto ko ng mabuhay ulit. Mahal ko miss na miss na kita pero kailangan ko ng mabuhay. Siguro yun God's sign before anniv natin wala na talaga pagasa yun na bumalik ka before tayo mag tatlong taon. So yun nga kailangan ko na rin siguro magmove on. Palagi naman akong salita tapos palagi naman palpak. Mahal ko hinahanap hanap pa rin kita. Buong ikaw hinahanap ko. Mahal kita. Tanggap ko buong pagkatao mo. Hindi mo lang ramdam pero naiintindihan kita sa lahat ng mga pinaglalaban mo at kaya ako tahimik lang lagi kapag gigil na gigil ka sa mga topic kasi di pa rin ako makapaniwala nun na ang babaeng kausap ko ay mahal ako. Mahal ko kaya ako KJ minsan sayo kasi mahal matigas talaga ulo ko tapos may paninindigan rin ako pero mahal after ng mga pagtatalo natin alam ko sa sarili kong tanggap ko ang lahat sayo. Mahal salamat kasi nakikinig ka sakin at sa mga kwento ko sa buhay. Sobrang namimiss ko na lahat ng tungkol sa atin. Puro tayo kwentuhan na walang katapusan kahit mga kalokohan natin noong mga bata pa tayo alam natin. Mahal ko mahal na mahal kita. Nagsimula tayo bilang mabuting magkaibigan at salamat dahil kahit tapos na tayo ay ganon pa rin tayo. Pero maramo ng nagbago at siguro mahirap maging kaibigan lang ang taong minahal mo ng sobra. Kaya imbes na makagulo ako sayo ay lalayo na ako. Makulit ako eh. Di ko mapigilan mahalin ka kasi nga mahal ko every inch of you. Physical man o metaphysical part of you, mahal ko. Bata ka pa naging akin kana kaya salamat kasi pinagkatiwalaan mo ang pilyong katulad ko sa buong pagkatao mo. Hindi man ako naging mabuti sayo pero lahat halos ng ginawa ko ay tingin kong mabuti para sayo. I love you baby. I love you kahit na tapos na tayo. Mahal ko hanggang sa huling pagkakataon gusto kong sabihin sayong mahal na mahal kita. Pero ipagkakatiwala na talaga kita sa Diyos. Mabuhay ka pa ng matagal at masaya mahal ko. Lahat ng mabubuti ay hiling ko sayo. Mahal ko yung mga paalala ko lagi mong tatandaan. Ingat ka ha? Sa huling pagkakataon aine. I love you. Kahit anong mangyare mahal kita. Malayo na tayo pero mahal kita. Pag dumating ang panahon na mawala ang pagmamahal ko para sayo ay di talaga ito nawala, nakatago lang sa pinakailalim ng puso ko. Pagmamahal na di na mawawala. Kapag kailangan mo ako magdasal kana lang sa Diyos. Ipaparamdam niya sayo ang pagmamahal ko. Pag umalis ako di ko na alam kung babalik pa ako. Pero kung ano man ang mangyare mananatili akong kaibigan mo. Hindi mo na kailangan malaman ang lahat ng ito alam kong masaya kana. Salamat mahal kasi pinili mong sumaya kahit di ako kasama sa ikasasaya mo. Yun lang ang hiling ko palagi para sayo. Sumaya ka. Mahal ko wag na wag kang susuko sa buhay kasi kilala kita matapang ka sa labas pero may babaeng may malambot na puso sa loob. Mabuti lang tao, mabuti kang babae at mabuti kang kaibigan. Salamat ha? Sa lahat. Paalam na sa relasyon nating hinubog ng panahon. Salamat kasi ginawa mo rin lahat para sa atin dalawa kaso may mga bagay talaga na nagtatapos kasi yun na ang tama. Salamat rin kasi dahil sayo mas nakilala at minahal ko pa di lang ang pamilya at mga kaibigan ko kundi lalo na ang panginoon. Maswerte ako kasi minahal mo ako dati at sobranh swerte ng taong mamahalin mo at ng mga mahal mo. Maswerte silang lahat lalo na ang pamilya mo kasi meron silang isang katulad mo. I love you old my princess, my girl, my bata, my wifey, my girlfriend, my friendgirl, my baby, my by, my love love and my everything. Kung ibabalik lahat pipiliin ko pa rin mahalin ka at masaktan ng dahil sayo. Salamat talaga ha? Di man umabot ng tatlong taon ang relasyon natin pero naranasan ko sayo ang araw-araw na forever noong tayo pa. Sobrang taas ng tingin ko sayo, nirerespeto kita, hinahangaan kita, iniibig kita at malalim ang pagibig ko sayo. Advance happy 3 years sana sa atin hahahaha di ko na masasabi yun kasi di na pwede. Di ko na magagawa mga surprises ko at mga plano para sa araw na yun. Yung mga pangarap ko para sa atin ay mababago na. Nasa sitwasyon na ako na kung saan gagawa na ako ng mga bagong pangarap at gagawin ko na ito. Salamat sa mga aral na natutunan ko mula sayo at sa relasyon natin. You make me a better person. Alam kong magiging proud ka rin sakin someday kahit na hindi na tayo that time. O kung maging tayo man ulit? Uhmm imposible na hahaha Wala ng aasa, hindi nako aasa. So yun nga. Mahal kita. Huli na to at itatago ko na lamang dito sa blog ko ang lahat ng gusto kong sabihin sayo. Kulang pa ito. May mga bagay na puso ko lang ang makakapagsabi at hindi na kaya itong maipaliwanag sa pamamagitan ng salita. Ikaw nga pala yung naging lifetime love at afterlife love ko noon. Kung magmamahal man ako muli ikwekwento kita sa kanya hindi para asarin o inisin siya kundi dahil naging parte kana ng pagkatao ko. Pero hindi ko na iniisip yun hindi ko na nga rin alam kung magmamahal pa ako eh. Di na mahalaga yun kasi ayoko na rin siguro kasi napakasakit magmahal ng sobra. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa pag nasaktan pako ng katulad noon at ngayon. Basta yun na yun. Ikaw kung magmamahal ka piliin mo yung makakabuti sayo at yung mabuti talaga yung taong di lang katawan at mga bagay lang na meron ka ang kailangan sayo. Malaki kana at alam kong deserve mo sumaya at mahalin ng taong nakatakda sayo. Wag ka humanap at pumili ng sasaktan, lolokohin at gagamitin ka lang ha? Kasi di ka dapat ganunin dahil sobrang bait mo at lahat na halos ng magagandang bagay ay nasa sayo. Kaya ingatan mo ang sarili mo. Alagaan mo ito ha? Kumanta ka palagi dahil may maganda kang boses. Yan ang nakakapagpakalma sa akin palagi. Kahit na hindi kana naririnig ng tenga ko ay alam kong naririnig ka pa rin ng puso ko. Ang boses mo kasi anga siyang naging tunog ng tibok ng puso ko. I need you pero tama na kasi tapos na mahal ko. I love you aine. *Panda hug* *Penguin hug* Ikaw pa rin ang penguin ko na baboy. Paalam na ha? Huli na ito. Sana. Palagi kang magdadasal kasi alam kong Diyos ang pinakamahalaga sa lahat at siya rin ang gumawa sa atin. Siya rin ang dahilan kung bakit nakilala at naranasan kong mahalin ng isang katulad mo. -Jeuz 7:48pm 11/10/17
Hi love,
Kamusta ka? Tulog kana ba? Anong balita sayo? Hindi ko alam kung nakilala na kita o hindi pa pero sana palagi mong tatandaan na mahal kita. Kahit di mo pa ako mahal. Matagal na kitang hinihintay kung alam mo lang. Sana mahal dumating o magparamdam kana kasi pagod na ako. Pagod na akong maramdaman na magisa ako. Yes I have my friends and my family + God pero alam mo yun. Nafefeel kong kulang kasi wala ka. Weird pero baka ikaw yung kulang pero kung di ka man dumating agad o di kana dumating sa buhay ko please lang enjoy your life pati sana palagi kang ligtas. Yes sa lahat ng tao palaging ito ang gusto ko, kaya yun rin ang gusto ko para sayo. I love you love.
11:50pm
12/9/17
To my future love,
Hi, kamusta ka? Ako eto hirap na sa life. Alam mo yun pagod na pagod na kasi ako at hindi ko alam kung kailan nagsimula ang pagod ko na to. Ngayon nilalagnat nako, siguro di na kinakaya ng katawan ko yung pagod. Pagod na akala ko kayang mawala pag itinulog o ginawa ko mga gusto kong gawin. Love nasaan kana ba? I mean pwede ba na dumating kana. Oo kahinaan ko ang pagmamahal pero yun rin ang lakas ko. Kaya ngayon heto ako hinang-hina na. Hindi ko naman gusto ng sobrang anong relasyon eh. Gusto ko cool lang tapos gusto ko lang ng kasama. Yung bestfriend ba ganun kasi ano talagang pagod nako sa life eh. Wala akong maibibigay sayo love pero gusto ko lang ng friendship mula sa isang taong mahal ako. Hays ewan ko ba kung anong shits to pero pag nagkakilala na tayo o tayo na ipapabasa ko talaga to sayo. Kasi sa ngayon masasabi kong all I need is you :)
Note: please hug moko lagi pag magkasama na tayo.
12/7/17
5:58PM
Dito na magsasara ang lumang libro ng ating buhay.
Ikaw nanjan.
Ako nandito.
Wala ng tayo.
Hinintay ko ang tanda na ibibigay ng Diyos.
Ngunit wala.
Hinihintay ko lang na bumalik ka sa akin.
Na muli mong sabihing "mahal pa rin kita".
Na "tayo na lang ulit".
Pero mahal walang ganun.
Hindi mo ako binalikan.
Kaya ito na ang tanda.
Tanda na kailangan ng tapusin ang pag-asa.
Pag-asang magiging tayo pa ulit.
Patawad mahal ko sa lahat ng nagawa ko noon.
Pakakatandaan mo sana na ikaw lang.
Ikaw lang ang minahal ko ng ganito.
Sobra at wagas yan ang pagmamahal ko para sayo.
Biyaya ka ng Diyos na lumikha.
Kaya nagpapasalamat ako sa Kanya.
Pati na rin sayo.
Dahil noong ibinigay ka niya tumugon ka.
Minahal mo ako ng sobra.
Kaya minahal rin kita ng sobra.
Pero marami ang nagbabago kasama na doon tayo.
Nagkakamali.
Natututo.
Pumipili.
Pumipili kung mananatili o aalis.
Pero sa nangyare sa atin umalis ka.
Siguro dahil sa pagod sakin.
Siguro dahil sa toxic ako.
Siguro hindi mo na ako mahal.
Siguro hindi kana masaya.
Maraming siguro pero isa lang ang alam ko.
Para sa atin ito.
Salamat mahal ko.
Dahil kahit na ganito ang nangyare sa atin.
Ay nanatili tayong mabuting magkaibigan.
Kahit na dati tayong magkasintahan.