PANGASINAN | Lingayen
- ✍️ Petros Asis
Ang probinsya ng Pangasinan ay isang napakagandang lugar na bisitahin upang magbakasyon o magpahinga, isa dito ang bayan ng Lingayen. Hindi na bago sa akin ang makapunta dito sapagkat ito ang lugar na aking parating pinupuntahan simula ng ako ay bata pa lamang. Kung galing sa Maynila, ang pinakamahusay na paraan upang makarating dito ay sa pamamagitan ng sariling sasakyan na inaabot ang byahe ng 3-5 oras depende sa trapiko. Maraming mga kalapit lugar na pwedeng puntahan tulad ng Lingayen beach, Veterans Memorial Park, Provincial Capitol, at ang napakagandang baywalk. Karagdagang mga lugar na matatagpuan dito sa Lingayen, Pangasinan ay ang Narciso Ramos Sports And Civic Center, at Epiphany Of Our Lord Parish. Lahat ng aking nabanggit ay mga lugar na aking napuntahan pag ako ay nandito Lingayen, Pangasinan dahil ito ay aking masasabi na pangalawang bahay labas ng Maynila. Ang isa kong pinupuntahan upang makapaglaro ng basketball o magsaya ay ang Narciso Ramos Sports And Civic Center at makapag simba sa Epiphany Of Our Lord Parish. Noong ika 29 ng disyembre 2019, Christmas break, aking naranasan makapunta kasama ng aking mga kaibigan ang makapunta gabi gabi sa Provincial Capitol at Urduja Palace hanggang Veterans Memorial Park. Lahat ng mga istruktura labas man o sa loob ay may mga Christmas decor at bukod dito sa gitna ng lahat ang napakalaking Christmas tree at iba't ibang kulay ng ilaw na sobrang ganda pag gabi. Napakasaya ng karanasang iyon bago ako umuwi ng Maynila at magkaroon uli ng klase.
- 📸 wordpress
Ngayong tayo ay nasa loob ng pandemya, ako parin ay nakakapunta dito dahil online naman lahat ng klase. At dahil dito kaunti ang mga aktibidad na pwedeng magawa, kung kaya tuwing umaga ako ay naglalakad o tumatakbo sa baywalk. Ngayon ako ay may pagkakataon na makapag aral na magmaneho ng kotse at mag drive papunta ng baywalk kasama ng aking kuya. Dahil sa aking mga nabanggit na mga lugar nararapat lang na bigyan ko ito ng kaunting description. Ang Lingayen Beach at Baywalk ay nagbibigay ng tranquil at scenic spot para sa pagtitipon ng mga pamilya, kaibigan at Iba pang mga grupo. Ito rin ay Isang perpektong lugar para sa pagkuha ng mga magagandang larawan. Ang Veterans Memorial Park ay Isang Open-Air Museum na sumisilong sa mga Reliko ng World War II at Memorabilia Kasama ang Macarthur Landing Marker. Ang Narciso Ramos Sports And Civic Center, tulad ng ipinapahiwatig ng pangalan ay isang lugar para sa lokal, Rehiyon, at Pambansang aktibidad para sa palakasan. Ang Epiphany of Our Lord Parish, na ang dating tawag ay Three Kings Parish, ay isa sa pinakalumang simbahang katoliko Romano sa bansa. Ang ng Palasyo ng Urduja, na ipinangalan sa The Legendary Pangasinan Warrior Princess Urduja ay siya ngayong tirahan ng gobernador ng lalawigan. Ang panlalawigang kapitolyo ay matikas na gusali at mapapansin mo ito sa araw man o gabi dahil sa matingkad na puti at dilaw na pintura pati ang magandang arkitektura. Sa pagtatapos, ang bayan ng Lingayen sa lalawigan ng Pangasinan ay napakagandang puntahan dahil sa lahat ng magagandang tanawin.



















