#litid #letchonpaksiw & #kikiam for Dinner (at Tony's Restaurant)

seen from Australia
seen from Argentina
seen from United States
seen from Kazakhstan

seen from United States

seen from Malaysia
seen from United States

seen from United States
seen from Japan
seen from China
seen from Yemen

seen from United States

seen from China
seen from United States
seen from United Kingdom
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Saudi Arabia

seen from Malaysia
#litid #letchonpaksiw & #kikiam for Dinner (at Tony's Restaurant)
" Caloocan City : Overview of Community Affairs Issue No.3 A Publication of the Caloocan City Government Oct.2016 " Tony's Carinderia We Would Like To Thanks to all Staff and Members of the Publisher of the Caloocan City Magazine for Including us as One of the Oldest Restaurant on Caloocan Again From Tony's Family Thank You So Much!!.. LoVe 💕 LoVe 💕Love 💕 #soupnumber5 #gokong #lengua #kiampong #litid #adobongribs (at Caloocan)
" Caloocan City : Overview of Community Affairs Issue No.3 A Publication of the Caloocan City Government Oct.2016 " Tony's Carinderia We Would Like To Thanks to all Staff and Members of the Publisher of the Caloocan City Magazine for Including us as One of the Oldest Restaurant on Caloocan Again From Tony's Family Thank You So Much!!.. LoVe 💕 LoVe 💕Love 💕 #soupnumber5 #gokong #lengua #kiampong #litid #adobongribs (at Jollibee 9th Ave)
"LITID"
Kinailangan mo na bang magpaconfine sa ospital? Malubhang sakit ba ang dumapo sa’yo? Tanong ng kaklase ko noong nasa unang taon kami sa high school. Naging paksa kasi naming magkakaibigan ang tungkol sa ospital. “Ano nga ba ang pakiramdam na nasa loob ng isang maliit at puting kwarto?” tanong sa akin ng isa ko pang kaibigan. Dahil nasa wisyo akong magkwento, sinimulan ko ang pagsasalysay ng isa sa hindi ko malilimutang bahagi ng kabanata ng aking buhay.
Isa sa araw ng buwan ng Agosto taong 2006, kasalukuyan akong nakaupo sa huli’t kaliwang bahagi ng aming silid- aralan. Nakikinig sa gurong tinatalakay ang tungkol sa siyensya, nang bigla akong nakaramdam ng hilo at panlalamig. Palamig ng palamig na animo’y tatlong bentilador ang nakatutok sa akin. Maya- maya pa’y nahalata ako ng aking katabi at ipinaalam nito sa aming guro ang aking kalagayan. Anupa’t nagdesisyon ang aming guro na ako ay umuwi.
Hindi magkamayaw ang aking mga magulang dahil tatlong araw na ang nakalilipas ay tuloy pa rin sa pagtaas ang aking lagnat. Nakasama pa ang lagi kong pagsusuka kahit tatlong kutsara pa lang ang nailalaman ko sa aking tiyan. Sa mga ipinakita kong kahinaan nagsimula ang lubos nilang pagaalala lalo na ang aking ina. Kaya sa ikatatlong araw ay dinala na nila ako sa pinakamalapit na ospital sa aming bayan. Doon ay inobserbahan ako ng mga doktor at napag- alaman na isa ako sa mga nabiktima ng dengue o isang mikrobyo na nagmula sa kagat ng lamok. Lumabas din sa obserbasyon na pinuntirya nito ang aking sikmura na naging dahilan ng maya’t maya kong pagsuka. Hindi naglaon ay kinonektahan nila ako ng isang tubo na nagkokonekta sa aking sikmura hanggang sa labas ng ilong. Ito ang gagamitin upang malinis ang aking tiyan na hindi kinakailangan ng operasyon. Ngunit sa hindi malamang dahilan nagpasya ang ospital na ipadala ako sa mas may kakayahang pagamutan upang mabigyang lunas ang aking karamdaman. Dinala ako sa isa sa kilalang ospital sa Maynila na kung susuriin ay may malaking populasyon ng dengue patients.
Doon ko nakilala ang isang Afrikanong doktor na nadistino sa Pilipinas upang manggamot. Lagi niya akong pinupuntahan sa kwarto upang kunan ako ng sampol ng dugo. Sapagkat sa dugo mo makikita kung may pagbabagong nagaganap sa iyong katawan. Minsan sa kanang braso niya ako kukunan o kaya nama’y sa kaliwa kung hindi ko na kaya. Hindi naman ako takot sa karayom o sa kahit na anong matutulis na bagay ngunit kung maya maya ka namang kinukunan ng dugo ay talagang makakaramdam ka ng kirot. Isang beses na kinunan ako ng dugo ni Afrikanong doktor ay hindi ko na naitago ang sakit, kaya’t bigla akong napakislot sa aking pagkakahiga. Ito ay nagdulot upang mapalalim pa ang pagkakatusok ng karayom sa aking balat tagos sa aking litid. Makikita mo ang bakas ng pagaalala sa mukha ng doktor na imbis na ikainis ay nagpangiti pa sa akin. Sa kabila ng kirot at sakit na aking nadama’y masasabi kong isang kakat’wa na isang dayuhan pa ang nagpakita sa akin ng awa at pagaalala. Hindi ko nais na pasamain ang loob ng mga kalahi ko na isang doktor ngunit ng mga panahong iyon ay siya ang nagpuno sa kakulangang ipinakita nila sa akin. Inalagaan ako ng dayuhang doktor at kahit na hindi ko maalala ang kanyang pangalan masasabi kong isa sya sa mga taong nagbigay lakas sa akin upang malagpasan ko ang hindi kaaya- ayang parte ng aking buhay.
Natapos ang buwan ng Agosto’y siyang paglabas ko ng ospital. Hindi ko man nakita ang dayuhang doktor sa aking paglabas, isang pasasalamat naman ang nais kong iparating sa kanya. Sa kabila ng paghihirap ko at ng aking mga kamag-anak, naging daan ang pagkakasakit ko upang bigyang importansya ko pa ang aking buhay. Maging ang kahalagahan ng pakikipagkapwa tao ay nagbigay aral sa akin na kahit sino, anong uri’t kultura man ang iyong pinagmulan ang puso’t isipan ng bawat tao’y hindi nalalayo sa sinuman.
“Salamat, Kaibigan!”
-HTVE♥