Hugot 07
Kahit hindi naman talaga ako huhugot, papanindigan ko na lahat ng post ko 'yan ang title. 😅
I had a conversation with my old friend. Nagworry kasi ako sa post niya. I know something happened. Hindi kasi siya palapost unlike me, parang public diary ko ang FB. So, kagabi bago ako pumasok, nagpost pa ko sa wall ko para lang magPM siya. Bukod sa tsismosa ako, siyempre friend ko 'yun. Isa sa mga TOTOONG friend ko 'yun. So nagkwento nga siya. Tama ang hinala ko. Pag-ibig. Napagod na siya. Nakipagbreak. Hindi ko na idedetalye kung ano ang nangyari. Sa'min na lang 'yun.
Ano nga ba ang gusto kong ipunto dito? Ganito kasi 'yun. Yung taong nagpaparanas ng matinding dagok ng pagiging brokenhearted ay ang FIRST boyfriend niya. First niya sa lahat. Madalas noong magkatrabaho pa kami, sobrang proud niya sa JOWA niya. I mean, EX niya na ngayon. Parang hindi makabasag pinggan. Kaya nga hindi ako makapabiwala ngayon na yung taong 'yun ang magpaparanas ng unang heartbreak niya. Sa mga kwento niya, hindi mo aakalain na mangyayari lahat ng 'to.
Naisip ko, masuwerte pa rin ako dahil maaga kong naranasan ang unag heartbreak ko. Siya, ngayon pa lang. Hindi ko alam kung paano mapapagaan ang loob ng friend ko dahil kahit ako mismo, nagdaraan sa dagok ng breakup. Pero alam ko na ngayon, kung tutuusin dapat mas alam ko na ang gagawin. Hindi katulad niya, ngayon pa lang ang unang beses na mararamdaman niya iyon. Sana malampasan niya. Sana makaraos siya. Alam ko pag nasa dulo na siya ng mabatong daan ng pagmomove-on, mas magiging matatag siya. Pineprepare lang siya sa susunod na kabanata ng buhay niya, ang buhay SINGLE.















