Litong lito.
Naranasan mo nabang maipit sa gitna ng dalawang bagay na importane saiyo?
Paano kung sa gitna ng dalawang tao? Posible bang magmahal ng dalawa? Paano ka mahuhulog sa iba, kung mahal mo talaga and nauna?
Masaya naman ako sakanya. Sa loob ng dalawang taon, siya lang ang lalaking nag mahal sakin ng totoo. Hindi lang pagmamahal ang binigay nya kundi respeto. Nakilala ko siya noong panahong malungkot ako at mag isa sa bansang bago ako. Dala narin siguro ng kalungkutan, kaya naghanap ako ng taong masasandalan ko.
"Napaka swerte mo talaga!" at "Wow ang haba ng buhok mo te!". Yan ang kadalasan na sinasabi nila sakin. Paano kasi, ibang lahi siya. Sa dinami-dami nga naman ng magkakagusto sakin, ibang lahi pa. Tawagin nalang natin siyang si Tisoy.
Sa una, nakakatakot. Kung ang kapwa ko kabayan ay nagawa akong saktan, siguro mas lalong madali para sa ibang lahi. Pero sobrang bait ni Tisoy. Mahal nya akong sobra. Sa kabila ng pagkakaiba namin ng lenguahe, naiintindihan nya ang lahat sakin. Sa loob ng dalawang taon, hindi siya nagbago. Mas lumalalim ang pagmamahal nya sakin. Iisa lang naman ang nagbago. Ako.
Oo ako. Ano pabang hahanapin ko kung may lalaki nang nagmamahal sakin ng totoo?
Hindi ko rin alam. Basta may bigla nalang dumating, na nagpabago ng isip ko.
Nakilala ko siya sa trabaho. Tawagin nalang natin siyang si Kuya. Araw-araw magkasama, araw-araw magkakwentuhan, araw-araw mo siyang nakikita. Naging malapit kaming magkaibigan. Nagusap tungkol sa aming mga buhay. Nagising nalang ako, nahuhulog nako sakanya.
Nung nakilala ko siya nabuhay ang aking pag asa na baka may magmamahal din saking totoo na kalahi ko. Bigla ko nalang naisip lahat ng mahirap sa aming relasyon ni Tisoy. Aaminin ko, minsan namimiss ko ang "dating culture" ng Pilipino. Yung panliligaw, yung mga simpleng banat, simpleng date.
Isang araw nagising nalang ako, mahal ko na siya. Nasasaktan na ako dahil hinding hindi naman niya ako nagugustuhan. Lahat ginagawa ko para magustuhan niya ako. Para mahalin din niya ako. Minsan akala ko pareho na kami ng nararamdaman pero umaasa lang pala ako. Dahil dito, nakakalimutan ko nang nandyan pa pala si Tisoy. Na sa kabila ng ginagawa kong to, andyan padin siya nagmamahal sakin.
Sinubukan ko makipaghiwalay kay Tisoy. Para malaman ko kung sino talaga ang mahal ko. Ayaw niya pumayag, ayaw niya akong iwan.
Sinong pipiliin ko? Yung mahal na mahal ako, o yung mahal na mahal ko. Natuturuan naman ang puso, tuturuan ko nalang ba ang puso ko na mahalin siya. O hahabulin ko yung tunay kong mahal at isusugal ang lahat.










