Sa mata ng iba ako yung umalis
ako yung kumawala sa iyong mga yakap na mainit
ako ang bumitaw sa yong mahigpit na pagkapit
ako ang tumapos sa atin.
Pero sana alam mo din,
na lahat ng ito ay hindi naging madali para sa akin
dahil gabi gabi akong pinapatay ng iyong malalamig na salita
at pakikitungo na hindi na sing init ng ating simula.
Sana alam mo din,
na gabi gabi kong dinadama ang mga halik na dati ay may lambing pero ngayon ay dahil lang nakasanayan ng gawin.
Sana alam mo din,
na bago ako maglakad papalayo sayo
ay mas nauna ka na sakin.
—A. Escaño








