Bakit nga ba? Ano bang meron jan? Bakit tuwang tuwa sila jan? Bakit hinahanap hanap nila yan?
Bakit nga ba? Like, why do they spend their extra time kasama yung mga ka-pagibig nila kesa sa pamilya o di kaya sa mga kaibigang pala-tawa? Bakit hindi nalang sa pag aaral? ‘Di ba sabi ng magulang mo masisira lang buhay mo kapag maaga kang nag jowa?
Kasi diba lagi sya papasok sa isip mo. “Ano kaya ginagawa nya?” “Mamaya pinag palit na ako nun a.” “Baka nag mall nanaman ng di ko alam?” Prof: Okay! Pass your exam!
Ayan. Wala ka nang nasagot. Pero bakit nila nasasabi pading: “Basta ikaw lahat gagawin ko.” “Mahal kita” “Aayusin ko na. Wag mo lang akong iwan.” Di kaya yung iba kahit di sila mahal or di na sila mahal talagang hindi sila titigil. BAKIT? Eto: Masarap mainlove kasi kapag nakikita ko sya. Nag s-slowmotion paligid ko. (Nung crush ko palang ang special someone ko). Andun pa yung kikiligin ka. Hanggang sa gustong gusto mo na sya makilala ng husto. At makasama pa ng mas madalas. Yung gagawin mo din kung anong trip nya. Para sabay kayong dalawa gagawa nun. Parang pag basketball sa mall. Yung shoot shoot? Tapos mag tatawanan kayo. Yung feelings na hindi mo na halos ma express. Na parang, nasaang stage na ba ako? Crush or love? Minsan akala nila love na. Pero pag naging love na talaga, grabe. Yung naiisip mo na sya parate. Distraction na kung distraction pero masaya ka. Pero mas masarap yung love na minsan lang mag away. Minsan lang mag tampuhan. Tapos puro happy moments. Yung tipong ang tagal tagal nyo na pero kinikilig pa kayo sa isa’t isa. Masarap mainlove kase, alam mong may taong mag cocomfort sayo once na down ka. Di ka pababayaan lalo na kung mahal ka. Yayakapin ka kapag umiiyak ka. Malalabasan mo ng lahat ng sama ng luob mo. Masarap kasi yung parang bestfriend mo na at the same time partner mo pa. Yung taong ka-tandem mo sa lahat ng bagay. Yung taong makakasama mo sa saddest times mo at happiest time mo. Yung hindi ka iiwan sa ere. Kapag lasing ka may matetextan ka ng “Babe lasing na ako.” Maya maya anjan na akay akay ka pauwe. Parang magulang mo na rin at the same time lalo na kung awkward ka sa magulang mo. Masasabihan mo ng family problems at aadvice-an ka. Kapag umiiyak ka, yayakapin ka at di mag sasalita hanggang sa tumahan ka, dahil alam nyang kailangan mo yung balikat nya. Yung tipong mabusog ka lang kahit wag na sya. Ibibigay sayo yung oras nya hindi gamit na nawawala lang. Handa kang halikan, yakapin, pasayahin habang buhay at hindi nya magawang mag hanap na paliligayahing iba dahil masaya syang nakikita kang masaya. At higit sa lahat, ibibigay sayo ang pinaka masarap na yakap hindi ang pinaka magandang relo.