PTP long message XD Noong bata pa ako, ang sabi nila ay wala daw akong mararating, dahil hindi ako matalino, wala akong talent, may karamdaman, at dahil sa aming estado sa buhay. Hindi naging madali ang pinili kong daan. Di ko nga alam kung pano ako napadpad sa course na Medicine. Pero sa kabila ng lahat ng problema, hirap, sakripisyo, at sakit ay nakamit na namin sa wakas ang aming inaasam na pangarap, ang imposible. Walang imposible sa Panginoon na nagbigay ng biyayang ito, kaya ang tagumpay na ito, ay hindi para sa akin, kundi para sa Kanya at pati na rin sa aking pamilya. Sa aking pamilya na walang hanggang pagmamahal at suporta ang inialay sa akin. Ito na po papa, mama, at ate kim. Nakamit na natin ang imposible. Huhuhu doctor na me sa wakas 😭 Sa lahat po ng tumulong sa aming pamilya, sa mga relatives (sobrang dami po), lahat ng tito at tita, pinsan, lolo at lola, kaibigan, kagrupo, kaklase, consultants, mentors, fellows, residents, interns, clerks, teachers, professors, staff, kasamahan sa school/trabaho, kumpare/kumare, kapitbahay, at sa aking alma mater, St. Luke’s, hindi ko makakamit ang pangarap na ito kung hindi dahil sa inyong lahat. Kaya lubos po akong nagpapasalamat sa mga tumulong sa amin. Sabi nga nila, libre lang mangarap, malay mo makachamba ka at mabigyan ka ng chance at opportunity. Kasi sino ba naman ang magaakala na ang isang Keith Coral lang ay doktor na?! Kung nagawa ko, mas kaya nyo lalo! Parang panaginip lang. Kahit ako, di pa din ako makapaniwala 🤭🤯🤣 At sa lahat ng nagtatanong kung kelan nga ba ako magiging doctor/ggraduate, eto na po! GRADUATE AT DOCTOR NA PO AKO SA WAKAS. 🤣 s/p 3yrs pre-school, 6yrs grade school, 4yrs high school, 4yrs premed, 3yrs med school, 1 yr clerkship, 1yr internship This is it! The fruits of our labor! Ralph Kristianne Duane "Keith" R. Coral, MD Doctor of Medicine St. Luke's Medical Center - College of Medicine Class of 2018 #MDat24yearsold #nothingisimpossible #kayod #LukanMD (at St. Luke's College of Medicine)








