Mabilis mainis, mahirap magalit
Ako yung taong masasabi kong sobrang haba ng pasensya para sa mga kaibigan, kapamilya o kahit sino man na matatawag mong kakilala ko kahit hindi ko ito ka close. Maiinis lang ako pag harap-harapan mo akong pinagmumukhang tanga, ginawang katawa-tawa o yung tipong wala na sa tamang landas yung mga pinagsasabi mo tungkol sa akin. Yun, maiinis na ako. Pero after 5 mins yun na, expired na . sobrang dalang para umabot sa level up yung inis ko.
Magagalit na ako pag paulit-ulit mo na ginagawa yung mga bagay na yun. Yung tipong gusto ko ng mag evolve sa sobrang galit at gusto na kitang saksakin at iuntog sa lahat ng pader ng earth, ganun ako magalit. Hindi ko palalampasin yung ginawa mo. Pero syempre, depende din yun kung sino man yung tao na yun, kung kaibigan ko yun, hindi ko na lang papansinin, hindi ako yung tipong tao na kung ano-ano ang lumalabas sa bibig at hindi nag-iisip.
Ni respeto kita kaya respetuhin mo ko pabalik, ganun lang yun. J









