Awkward makasabay ang soon - to - be - ex crush mo sa LRT.
Yung tinanong mo bigla si tadhana 'bat nangyari yun. Moving on na eh. Tangina lang?
Thursday, 7:00 pm. Central Terminal Station.
Madaming tao. Mainit. Wala akong pamaypay. Badtrip. No choice. Mag earphones nalang ako.
Tuminigin sa left side. I dunno why. And to my surprise my soon - to - be - ex crush and his friend na friend ko den na si BES (BTW. Lalaki si BES) naglalakad papunta sa.. pwesto ko? HAHAH, Syet! Kunwari hindi ko sila nakita. Tas ayun kunwari nagulat ako na katabi ko na sila. Sabi ko "BES!!" hindi ko pinansin si soon - to - be - ex crush. Tas yung dalawa pala, nag pustahan kung ako ba daw yung nakita nila. Si Bes sabi niya ako daw yun, si soon - to - be - ex crush. Hindi ko alam kung ano hula niya. HAHAHA. WAPAKELS EH!
Ayun. After 5 train ata dumaan si lumang bagong train. Maluwag pumasok kami. Daldal ako ng daldal kay Bes. Si soon - to - be - ex crush. Nag earphones na. Bababa ng Carriedo Station si Bes. Dun ko na realize makakasabay ko si soon - to - be - ex crush sa train ng ilang minuto. Ilang stations pa. DAMN! WHY! TADHANA! WHY!!!! :((((
Bago bumaba si Bes. Sabi niya saken. "Magusap kayo ah." I smirked. HAHA. Bumaba na siya. Nilagay ko ulit yung earphones ko. Di kami nagpansinan ni soon - to - be - ex crush. AS IN WALANG KIBUAN. Dyahe talaga. Di ako tumabi sa kanya. Hindi ko matake eh. Tas may pumagitna samin. Tas umalis den agad. Naramdaman niya ata yung tension. HAHAH. Kawawa naman si kuyang pumagitna, tumingin pa saming dalawa.. Anyways. 5th Avenue ako bumababa. Gustong gusto ko nang umalis sa pwesto ko.. Hindi ko na kase kaya yung ganung situation.
R.Papa Station na. Sa wakas, malapit na akong bumaba. Bigla akong napaisip. Magbabye ba ako sa kanya o hindi? Naguguluhan ako ng bonggang bongga, tanginis talaga. At the end. I choose to say bye. Susme. 5th Avenue na. Hinahanap ko yung card ko, then ayun tumingin ako sa kanya tas nag wave. Nagulat siya, eh naka earphones siya. Bago ako bumaba may sinabi siya eh. Hindi ko lang narinig kase naka earphones den ako. HAHAHAH. Dafuq.
Nung naka baba na ako. Naluluha ako, nahirapan akong huminga. Hindi ko malusot ng maayos yung card kase nanginginig den yung kamay ko. Nag vibrate yung phone ko. Nagulat ako kase pangalan niya yung nakalagay. Napakapit ako sa hawakan, baka gumulong ako pababa eh. HAHAHAH.
Nyeta naman! :( Let me catch some air. I can't breathe properly pa nga eh. OA NA KUNG OA PERO GANUN TALAGA YUNG NARAMDAMAN KO! :(
Sumakay ako ng jeep pauwi samen, pinagiisipan kung magrereply ba ako sa kanya. Nagreply den ako sa huli. Baka may isipin na ewan yung mokong na yun.
Nung nakarating ako sa bahay, dumeretcho agad ako sa kwarto. Hindi na ako kumaen ng dinner. Naiiyak na kase talaga ako, then I asked God. Why it's happening? Jusmio. Hindi ko pa alam ang nararamdaman ko hanggang ngayon.
Soon - to - be - ex crush talaga. Ughhh lang!!! :(((