Ako; ayun na nga e, kaya di niyo ko pwedeng sabihang tanga, kasi at the first place, grinab ko lang yung opportunity para maging masaya. Masyado na kong matagal na umiiyak. Nakakapagod din.
Girlcm; kaya nga di ka na namin pinigilan e. kasi alam mo cherry, noon ko na lang ulit nakita na ngumiti ka na carefree.
Boycm; sa tinagal tagal niyong wala. At sa tinagal tagal nating magkasama, siya pa rin yung makakapagpasaya sayo.
Girlcm; nakakamiss yung fieldtrip kasi doon lang kita nakitang ngumiti atsaka tumawa na parang walang expiration date yung pagyakap mo. Nakakamiss yung ngiti mong ganun cherry. Bakit ba di mo magawang ngumiti ng ganun sakin? Eh sa araw araw na gumala tayo di mo pa nga yun nagagawa sakin e.
Ako; ang dadrama niyo. Mahal ko kasi. Alam niyo naman na masaya ko sakanya e.
Girlcm; ang sakit mo magsalita. Mahal mo rin naman kami diba? Bakit sakanya kaya mong ibigay ng walang kapalit yung ngiting ganun? Bakit ang tamis ng ngiti mo?
Boycm; cherry, ang genuine nung ngiti mo nung fieldtrip. Kung kami lang, gusto naming ulit ulitin na lang yun para atleast, nakikita namin na masaya ka ulit.















