Para sa lalaking una kong minahal..
June 1, 2009. Una kitang nakilala. Nung araw na yun, hindi ko inakala na magiging malaking parte ka ng buhay ko.
Akala ko puppy love lang. Akala lang pala. Kasi 5 years na kitang mahal. HUEHUE. K.
Kahit na dumating tayo sa point na akala natin wala na, tapos na, hindi na pwede. Pero akala lang pala natin yun..
Pero umuwi ako. Ayoko na talaga makipagkita sayo noon. Pero daeff dude, pinuntahan mo ko sa bahay namin ng alas dose ng gabi. NAKATULOG PA AKO NUN. HAHA. Puro drama sa text dahil di ako sumasagot. Buti na lang nagising ako kahit alas dos na yun noh, kahit na sa sobrang pagmamadali ko lumabas, hindi na ko nagtsinelas dahil hindi ko mahanap. Tapos biglang nagbrownout pa. Natakot ako nun. Gusto kitang yakapin. Pero.. nahiya ako bigla. hahaha. Ganda ng mga stars nun. Kitang kita. at.. Nawala na rin yung takot ko dahil sabi mo “andito lang ako.” HAAYYY. ANO BA NAMIMISS NA KITA DUDE.
Ang tagal kong inantay kung pano tayo magkikita ulit eh. Kung romantic ba o bayolente. Hahaha. Kaso, romantic comedy with a twist of drama ang nangyari. Pero buti nalang talaga, naantay mo ko magising kahit 2 hours kang nganga at tinatahulan ng aso. Baka kasi pag hindi ako nagising, tuluyan ka ng nawala.
Sana hindi ka magsawa. Sana.. itong second chance na to, worth it. :)