Panahon na naman ng...
Heto na naman tayo…
Hindi na naman magkanda-ugaga ang mga tao sa paligid… Ang lahat ay abala sa kanya-kanyang gawain… Pero bakit tila ako ay nanonood ng isang dula sa isang malaking teatro? Dahil ang nakikita ko…
Panahon na naman ng PAGPAPANGGAP …
MAPAGPANGGAP NA NGITI ng mga tao na matagal ng nababaon sa sangkatutak na problema at buong taon na naman na magpapa-alipin sa sakit at hinagpis…
MAPAGPANGGAP NA YAKAP ng mga tao na may poot at galit sa kanilang puso na hindi mabitawan at malimutan…
MAPAGPANGGAP NA PAGBIBIGAY ng kung anu-ano sa ibang tao na hindi naman bukal sa kalooban…
MAPAGPANGGAP NA PAGBATI NG MALIGAYANG PASKO (madalas mga naka-tarpaulin pa ang mga ito) mula sa mga taong ang tanging hangad ay kasikatan upang maitatak sa isipan ng mga utu-utong sambayanan ang kanilang mga pangalan tungo sa pagkakaroon ng kapangyarihan sa darating na halalan…
At higit sa lahat…
MAPAGPANGGAP NA PAGDIRIWANG ng Kapaskuhan kahit hindi naman talaga naisasapuso ang tunay na kahulugan nito…
Ngunit… ganoon pa man… Hindi ko maitatanggi na paminsan minsan… Mas nakabubuti na rin para sa karamihan ang mga pagpapanggap na ito… Para kahit minsan lang…
Dumating ang panahon na ngingitian ka, yayakapin ka, bibigyan ka ng kung ano, babatiin ka ng Maligayang Pasko at ipagdiriwang niyo ito na para bang totoo…
Para kahit minsan lang…
Maramdaman mong may nagmamahal sayo sa mga simpleng bagay na ito…
Kahit alam mong isa lang itong malaking pagpapanggap…
Ngunit lagi pa rin nating tatandaan na…
Ang pilit na pagngiti sa harap ng salamin ay nagdudulot ng kakaibang epekto sa ating utak at nadadaya natin ito na kunwari masaya tayo…
Kaya wag mawalan ng pag-asa…
Dahil minsan…
May mga pagpapanggap na nagiging totoo… 3X)











