LETRA. KATAGA. SALITA.
MAHAL KITA
9 na letra
4 na kataga
2 na salita
- Sa anong kadahilanan, hindi ko rin alam.
- Basta ang alam ko, bigla akong nakaramdam ng takot kung sakaling mawawala ka, sabay hanap sa sarili ko kung saan ko ba dapat ilugar ang sarili ko.
PATAWAD
7 na letra
3 na kataga
1 na salita
- Sa mga panahong wala ako sa tabi mo.
- Sa mga pangako ko na hindi ko natupad.
SALAMAT
7 na letra
3 na kataga
1 na salita
- Kulang ang salitang "SALAMAT" sa lahat ng iyong nagawa.
- Naipadama mo sa akin kung papaano mabuhay ulit.
PAALAM
6 na letra
3 na kataga
1 na salita
- Mahirap sabihin o mapagsabihan.
- Bawat yugto ay may katapusan, ngunit daan ito patungo sa bagong simula.
- Iiwan ko ang mga masasamang ala-ala pero babaunin ko ang mga aral at masasayang kwentuhan.
KUMUSTA KA?
9 na letra
3 na kataga
1 na salita
- Walang pinto o bintana na isasara, lalong walang salita na tatapusin.
- Yugto lang ang natatapos hindi ang istorya.
- Kung ikaw man ay magbalik, buo na sana ang loob mo para magsimula ng bagong yugto sa bagong pahina.
-somersault-12
Nov. 17, 2019












