Totohanang Landian
Sa Lovestory na binubuo ng wagas at tapat na pag-ibig, walang pinipiling problema.. lahat kinakaya. lahat nasusolusyunan nang matiwasay. kasi iisa ang gusto nyo, ang makasama sya sa dulo ng lahat ng gulo.
Walang pinipiling ugali. naiintindihan ang bawat isa. Si Lalaki na likas na ang pagiging isip bata na sasabayan lang ni Babae. At si Babaeng likas na ang pagiging madamdamin pero mas pinipiling kagiliwan ni lalaki.
Pero may mga relasyong puro landian lang naman talaga. Walang commitment, walang Goal, wala. Landian lang. Hindi pantay ang pagmamahalan, kaya nauuwi sa iyakan. Buti sana kung parehong iiyak. Kaso isa lang. Totohanang landian lang naman kasi ang tawag dun. Yung tipong konting problema lang, sigawan dito, sigawan dun. Pati ugali ng partner naiissue... kesyo sobrang selosa, sobrang praning, sobrang isip-bata, masyadong sweet sa iba etc.At ang mas malupet? nagagawa pang tumingin sa iba. maghanap. kasi hindi makuntento.
sa isang relasyon? di mawawala ang problema, sa tunay na pag-ibig, lahat yun kaya. Pero sa totoohanang landian, lahat na problema.














