Ako ba? O ikaw ang nauna?
Buong akala ko ako ang nauna
Buong akala ko kasalanan ko
Buong akala ko nasaktan kita
Buong akala ko ako yung may maling nagawa
Pero dumating yung araw na umamin ka
Umamin sa mga kasalanang pilit mong tinatago
Nakonsensya ka ba?
Ay hindi pala.
Nahuli nga lang pala kita
Ngayon napaisip ako,
Ako ba? O ikaw ang unang nagloko
Sa ating dalawa?













