Sino maga-akalang makakapagtapos ako ng pag-aaral sa isang Science High School? Ako na isang tamad na mag-aral na estudyante, matigas ulo, pasaway, at bully.
Akalain niyo 'yon? Eto na lang palagi kong naiisip nung mga nakaraang araw bago ako maka-graduate. Sarap sa feeling, lalo na kapag naalala ko 'yung mga panahong mangiyak-iyak na ako, tulad nung 1st year ako, napasama ako sa SARDO (students at risk of drop out) kasi may isa akong bagsak na subject; nung 2nd year ako na naibagsak ko ang Geom, Bio at MAPEH kasi napabayaan ko acads ko gawa ng ECA; nung 3rd year ako na nagpapakahirap ako maningil at maghawak ng pera kasi treasurer ako, maka-ilang tapon ako ng A3 paper at maka-ilang bili ng lead ng mech. pen ko para sa compilation namin sa Civil Tech, sa pagod at gastos nung sinali ako sa Mr. and Ms. StaRSci 2012; at ang pinaka-memorable school year (syempre) ng buong HS life ko, nung 4th year ako, na ang daming ginastos at puyat para sa Research namin, sa rush na pagpapa-bookbind, sa pagsisikap kong ibawi grades ko sa Physics, sa sooobrang daming requirements at lahat.
Mga bagay na sineryoso at pinetiks ko, pero kasi ayoko talaga seryosohin ang HS life ko, ang gusto ko, ma-enjoy ko siya. 'Yung tipong kahit minsan naiinis ako sa sarili ko kapag bumabagsak ako, iniisip ko na lang na, "Grades don't measure intelligence". 'Yan lang palagi ko iniisip. Kasi, hindi ako 'yung perfectionist type of girl. Ako siguro 'yung dun ako kung saan ako mage-enjoy, kahit alam kong may consequence 'yon, dun sa alam kong tama na sasaya ako, pero minsan medyo may pagka-bad girl hehe, ayun, kaya siguro ako ganon 'cause.. YOLO! Hahaha!
So yun lamang itong drama na 'to. Masasabi ko ngang HS life is one of the best memory nga. Sa lahat ng kadramahan, katuwaan, kasiyahan, kalungkutan, kahirapan, ka-petiks-an. Lahat-lahat. Whole package na. Kung pwede lang K-12 din kami 'di ba kasi hindi eh ;-)
Sa lahat ng batchmates ko, naging classmates, best friends, tropa's, close friends, mga kinopyahan ko ng assignment kapag nakakalimutan kong may HW pala kami, mga tinanungan ko at tinanungan ako kapag exam, mga nagpagawa sa'kin ng mga activites na nagbabayad pa, ex-crushes, mga naka-M.U. ko (lande HAHAHA), mga nakaaway ko, mga inaway ko, mga nang-away sa'kin, mga nang-aaway sa'kin hanggang ngayon lol, teachers na nambagsak sa'kin, teachers na naka-close ko, mga taong nangchismis sa'kin, mga taong pinag-uusapan ako, mga faculty specifically janitors and guards ng school namin na palaging bumabati sa'kin kapag nakakasalubong ko... Lahat kayo na naging parte ng HS life ko, hindi ko makakalimutan. Kayo na nagpahina at nagpalakas at the same time ng loob ko. I love you guys. ♥
"We'll never say good bye, to you dear SciTech Hi..."