Ika’y di na naalis,
saking isipan ika’y lagi.
Sa puso ko’y ikaw pa rin,
pagmamahal na nananatili.
Samahan na di inaasahan,
lubos ang kasiyahan.
Di inaasahang magtatagal,
pagkat nung una’y wala lang.
Tawanan na walang hanggan.
Mga salitang binitawan.
Alaala tuwing ika’y kasama.
Ngiti ang tanging magagawa.
Walang balak tigilan,
itong ating sinumulan.
Kahit pa magkatampuhan,
ito ay hindi hadlang.
Walang makakapantay,
samahan na ating iningatan.
Na kahit na sino man,
ay hindi maiintindihan.
Para saan pa’t ika’y minahal,
kung hindi rin paninidigan.
Pangakong binitawan,
kailanman ay panghahawakan.










