New Post has been published on Pinas FM 95.5
New Post has been published on http://www.pinasfm.com/come-back-to-me-ni-mark-mabasa/
‘Come back to me’ ni Mark Mabasa
Muli na namang napakinggan ng mga tagapakinig sa Pinas FM ang isa sa mga hinahangaan at pinagmamalaking singers ng ating bansa na si Mark Mabasa. Mula sa kanyang journey sa X Factor, ipinagpatuloy pa rin ni Mark ang kanyang pangarap sa pagkanta kaya naman kilala na siya ngayon hindi lang dito sa Pilipinas, kundi pati narin sa ibang bansa.
#gallery-1 margin: auto; #gallery-1 .gallery-item float: left; margin-top: 10px; text-align: center; width: 50%; #gallery-1 img border: 2px solid #cfcfcf; #gallery-1 .gallery-caption margin-left: 0; /* see gallery_shortcode() in wp-includes/media.php */
Marami na rin siyang nakasama at nakatrabahong mga iconic singer katulad nalang ng bandang Boyz to Men, Natalie Cole, Baby Face, Chaka Khan at David Foster.
Makikita ang excitement sa mata ni Mark ng ikuwento niya ang kanyang latest single na may title na “Come Back To Me” na sinulat ni Camille Victoria. Ibinahagi din ni Mark na magkakaroon siya ng bagong album na ang dalawa sa mga tracks dito ay original. Isa din sa inaabangan ng mga tagahanga ni Mark ay ang kanyang nalalapit na concert sa February 9 kasama si Kuh Ledesma at sa February 14-15 kasama naman si Patti Austin sa Cebu at Araneta Coliseum.
#gallery-2 margin: auto; #gallery-2 .gallery-item float: left; margin-top: 10px; text-align: center; width: 50%; #gallery-2 img border: 2px solid #cfcfcf; #gallery-2 .gallery-caption margin-left: 0; /* see gallery_shortcode() in wp-includes/media.php */
Ayon kay Mark, ang maipapayo niya sa mga aspiring singer, maging totoo sila sa kanilang mga sarili at magperform o kumanta na parang ito na ang huling pagkakataon. Kaya naman suportahan natin si Mark sa kanyang mall shows na makikita natin sa kanyang social media accounts at pakinggan ang kanyang mga awitin sa iTunes at Spotify.
Para sa iba pang upadates ay maari nyo siyang mabisita sa kaniyang Facebook account na: Facebook: Facebook.com/MarkMabasa
(written by Errah Jean Crusim, edited by Mary Rose Faith Bonalos,photos by Dexter Magno)














