5 Tanong sa Kambal na Mahirap Sagutin
Noong bata pa kami, marami sa aming mga kakilala, kamag-anak, kaklase at kaibigan ang hindi maiwasang magulat at mamangha kapag nakikita kami na magkasama. Sa hindi maipaliwanag na pagka ewan ko ba, madaming natutuwa kapag nakakakita sila ng isang kambal. Eh oo nga naman, ikaw ba naman ang makakita ng taong naglalakad na parang may katabing salamin eh.
Sabay ng lakad.
Sabay ng reaksyon.
Parehas ng damit.
Parehas ng boses.
Parehas ng mukha.
Minsan nakakatuwa. Minsan ay bahagya rin namang nakakainis, lalo na kapag kami ay tinatanong ng mga bagay na parang ewan lang.
Eto ang 5 na madalas itanong sa amin noong bata kami,
1. Bakit kayo magkamukha?
Abah ay awan ko. Napakahirap sagutin ng tanong na ito. Kapag sumagot kami ng, “kambal kasi kami” biglang may follow up na, “eh bakit nga?”. At bilang isang bata, saan ba naman kami huhugot ng paliwanag sa tanong na iyan. Kami po ay nautusan lang na bumili ng suka, bakit nyo po kami iniinterbyu ng ganyan. Alright. At tapos nalaman namin di naglaon, ang posibleng paliwanag. Abah eh hindi ko naman alam kung pano ipapaliwanag sa mga tambay sa amin ang sagot. google nyo na lang pls.
2. Kapag ba may sakit yung isa, may sakit ka rin?
Noong una, madalas kaming nagkakasakit ng sabay, tapos may nauuna tas may susunod. Kapag may sore eyes yung isa, meron na rin yung isa. Kapag may bulutong yung isa meron na rin yung isa. Dati mahirap sagutin, ang nasasabi na lang namin ay “oo nga nooh”. Pero nalaman namin na kaya pala ganon ay dahil nagkakahawaan kami. Simple. Tapos.
3. May powers ba kayo, parang si Julio at Julia?
Ay sila po pala ay palabas nuong kami ay bata pa. Sila po yung kambal ng tadhana. (Google nyo na lang). At ang sagot po namin ay “W A L A!!”. Sana lang meron, pero dahil bata kami noon, sinubukan rin namin kung may powers nga kami. HAHAHA!
4. Nararamdaman mo ba ang nararamdaman nya?
Basta ang alam ko lang nuong bata kami, kapag natatae ako, natatae rin sya. Ganun rin kapag naiihi ako. Kaya naman laging may karera papuntang banyo. HAHA. well kung madalas magkasama ang kambal, sabay kumain at matulog, siguro malamang sabay rin ang magikot ng aming mga tiyan noh. Pero may follow up question pa,
sila: “Pano kung kukurutin ko sya, mararamdaman mo ba?”
kami:“syempre hindeeee!!!”
pero syempre tinesting rin namin yun, yung isa nagtago tapos yung isa nagpakurot. alright.
At syempre ang pinakamahirap sagutin sa kanilang mga tanong..
5. Anong feeling ng may Kakambal? masaya ba?
Well sasagutin ko yan, oo naman pero syampre depende sa kambal kung magkasundo ba o madalas magkaaway. Pero yung “feeling”?,” anong feeling”? naku, mahirap sagutin yan. wala kasi kaming point of comparison. Hindi naman namin alam ang feeling ng hindi kambal eh. Basta ang alam namin nung bata kami, lagi kaming magkalaro kaya masaya kami.
Ayan po ang mga nakakaaboridong tanong sa amin mula noon hanggang ngayon. Wag nyo na pong itatanong ha. Wala po kaming powers!