18 na ako, college student, at masasabi ko na kahit kalian wala pa ako naging seryosong relasyon. At ako ay nasa mundo kung saan halos lahat ng kaibigan ko taken na at yung iba nakailang ex boyfriend na. Sure, I’ve met some guys, pero hindi pang seryoso. I’ve never had that slow-mo moment na katulad sa romantic films. Sa ganitong estado ko, I’ve felt a lot of pressure to find love. Being in this age at single parin ako, masasabi ko na I am far behind my peers. Hindi ako bitter, as a matter of fact, natutuwa ako sa tuwing masaya mga kaibigan ko sa lovelife nila pero minsan naiisip ko kailan kaya darating ang oras ko? Normal naman siguro yun, diba?
Marami nagsasabi a choosy daw kasi ako kaya ganito pero paano ba naman ako hindi magiging selective kung nakakakita ako ng failed at shitty relationships. I admit, takot ako pero sabi nila ay ‘to love is to take risks” pero sa tingin ko hindi pa siguro ako ganun ka handa mag take ng risk kung ang nakasalalay ay kinabukasan ko. Corny man isipin pero sa tingin ko sa ganitong edad mas dapat na pinaprioritize ang pag-aaral sa hirap ng buhay ngayon, hindi sapat ang magsunog ng kilay.
Yung mga naging “almost relationship” na napagdaanan ko na kahit kalian di na umabot sa seryosohan. Masyadong komplikado kaya’t hinyaan ko nalang. Ginawa ko naman pero di parin sapat. At minsan naiisip ko parang nawawalan ng gana ang tadhana. Maskit na puro almost, hanggang simula, puro potensyal na relasyon na may kapasidad na mabuo o hindi umabot hanggang dulo. Kaya ngayon tumigil muna ako at bibigyan ko muna ng panahon ang sarili ko at aayusin ko muna ang mga bitak sa pagkatao ko.
Hindi ko alam kung kalian kung hanggang kalian ko aayusin ang mga sira sa sistema ko pero sana pag naayos ko na ang buong pagkatao ko, hindi pa ako huli. Sana. Hindi naman siguro masama na umasa na balang araw darating din ang oras ko sa tamang lugar at sa tamang tao. Maaring hindi ngayon pero darating yun, darating yun.