PARA SA MGA MASASAKTAN, NASASAKTAN AT NASAKTAN
Para sa mga masasaktan. Pain is inevitable since it demands to be felt, kahit anong gawin mo ay masasaktan ka, kahit anong pag iingat mong gawin ay masasaktan ka pa rin, kahit anong bait o sama mo ay masasaktan ka pa rin kaya para sa mga masasaktan, magpakatatag at mag handa kayo, accept the fact na ganun talaga ang buhay. That’s part of being a being sa mundong ito.
Para sa mga nasasaktan. Eto lang lagi ang sinasabi ko sa mga taong nasasaktan at nahihirapan na sa buhay nila na “iiyak lang nila”, huwag kayong magtapang tapangan dahil ang tunay talagang matapang ay yung umiiyak pero eto ang tandaan niyo: kapag natapos na kayo sa pag iyak niyo ay ipunas niyo na yang luha niyo. Alam kong mahirap mag move on pero eto ang tandaan na i-try bawasan ang sakit na nararamdaman mo every day, try mo lang, bawasan mo everyday ang pagiyak, pag isip sa kung ano mang bagay na nakakasakit sayo, and replace the negativity ng positivity. Always be positive. Temporary lang yang sakit, mawawala din yan.
Para sa mga nasaktan. Huwag kayong magiging bitter sa buhay dahil ang pagiging bitter ay ang pagkulong mo sa sarili mo sa sakit kasi habang bitter ka sa buhay ay lagi mong nilalagay mo sa isip mo ang negativity na wala kang right maging masaya kasi in the end ay masasaktan ka din at huwag mong hayaan na ikulong yung sarili mo sa negativity na yan. Like what I said before “Pain is inevitable because it demands to be felt”, kahit anong gawin mo ay masasaktan ka pa rin at mas doble ang sakit kapag kinukulong mo lang ang sarili mo sa mundo mong puno ng hatred and misery. Since nasaktan ka na, just be ready sa mga kung anong mang mangyayari sayo. Nasugatan ka na, magdala ka na next time ng alcohol at bandage.