Nakasanayan
Nasanay na akong lagi kang katabi, Nasanay na akong mga bagay ay sa’yo ko sinasabi. Nasanay akong lagi kang andiyan, Pag kailangan laging maasahan Siguro madali lang talaga akong masanay Binibigyang halaga simpleng mga bagay Siguro ang problema na sa akin, Nasasanay na rin akong di ka kausapin Noong una medyo mabigat pa, Pero Paglipas ng mga araw parang nakakasanayan na nating dalawa. Hindi ko na hinahanap ang amoy mo, Nasanay na rin akong walang hawak ang kamay ko. Siguro talaga kasalanan ko, Akala ko kasi may mga bagay na hindi magbabago. Sabi ko naman sa’yo noon wag mo akong sasanayin Sa mga bagay bagay na pwede kong hanapin. Tama nga iyong sabi nila, Ganoon nga siguro talaga; Sa umpisa lang masaya. If you are persistent you will get it If you are consistent you will keep it. 💛















