Sa iyong nalalapit na paglisan, rinig na ang katok ng kalungkutan, eto na nga ang aking kinatatakutan ako ay iyo nang iiwan
Sa paghahanda ng iyong mga dadalhin may ipapabaon lang sana sa iyong habilin na ang iyong kalusugan ay panatilihin at ang iyong kaligayahan ay palaging siguraduhin
At sana ako'y iyong ikamusta kay Harry Potter, at sana ikain mo ko ng pasta jan sa Paris, at ako ay umaasa na di mo ko makakalimutan ng basta basta!












