Dear Keysie
Try to be nice naman minsan. Subukan mo naman maglakad ng nakangiti, subukan mong tumingin ng mata sa mata sa mga taong nakakasalamuha mo kaya ka lagi napapagsabihang snob o mataray. Subukan mong maglakad na parang stress free na ang ganda ganda ng araw mo na parang nanalo ka sa lotto kesa ganyan na para kang araw araw na susuguring kaaway.
Next, try to be polite pagkaharap mo bf mo , daig mo pa siya magmura girl. Solid kapa magmura malutong pa sa bagong gawa ng bangko sentral na pera. Malutong pa sa fried chicken ng kfc , sa sobrang lutong ng mura mo sarap isawsaw sa gravy tsaka ketchup (sabay hahah para baboy).
Sunod, try mo naman tumahimik para observemo lang sino yung mga taong makakapansin ng pagbabago mo kung makakaya ba nila na mas matahimik ka kesa sa kanila. Kung madedead ba ang scene pag dika kwela, kung lalamukin ba kayo o aagnasin sa kaboringan pagdika naging joker.
Ito importante to TANGINA KA MAKINIG KA! Utang a loob magtipid ka , kakagala mo yung libo mong pera barya barya nalang ngayon. Nung nakaraang araw pera mo sa wallet laging may tag sanglibo at limangdaan ngayon limang piso at sampung piso nalang. Paano wala kanang ginawa kundi ubusin pera mo sa mgalakad mo , matutuwa pa sana ko kungwinawaldas mo sa gamit at leastmakikita mo ,eh saan ba napupunta sa yosi mo!
Ayan! Ilang beses mo na sinabi natitigilan mo yosi mo? Sinong ginagago mo sarili mo! Paano ilang beses kanh nangako ,wag kamangako! Kung ikawsa sarili mo dimo kayang gawin at tuparin yung pangako mo ,umaasa yung taong magbabago ka pero ikawdimo magawa sa sarili mo! Umayos ka! Nakakabwiset , wala naman akong magawa kasi sabi mo masaya ka pero kahit ganun inaalala kita, buhay mo rin nauubos "BUHAY KO ANG UNTI UNTI KONG PINAPATAY", alam ko yung tama pero ayokong gawin , ang sarap kasi gawin ng mali eh.
Last, sira na diet mo girl. Tamanakain utang na loob santisima mahabagin ,awa ! Tama na talaga taba mo na, tama na bili ng pagkain please. Magipon kana ng 2k para sa pampaayos mo ng buhok at pambili mong contact lens please? THANK YOU,well sana lahat to magawa mo.
Well sana lahat ng sinabi KO ay magawa KO
Nagmamahal,
SARILI KO aka Keysie















