ANG PAGDADALAGA NI MAXIMO OLIVEROS (2005)
Ano ang nagustuhan mo sa kuwento?
Sa Pilipinas, Kalimitan ng may bidang Bakla o gay sa Pelikula ay puro katatawanan. Kalimitan pa nga yung pagiging bakla nila ang subject of comedy, Pero itong pelikula na ito ay naiiba. Ibang iba dahil hindi siya yung nakasanayan na, na tungkol sa mga bakla, ibang iba yung atake ng storya. Knowing na Pinalabas ito noong 2005, malayong malayo sa taon ngayon na puro gay filipino films na kung minsan ay may halong panlalait at katatawanan sa pagkatao ng isang tao. Matagal ko na napanood itong Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, I was about 7 or 8 nung napanood ko siya. First i’ll review this film as a child who watched it before. Aaminin ko di ko na gaano maalala yung buong storya kung di ko pa papanoorin ngayon pero noon, bilang isang bata, sa tingin ko naintindihan ko lang sa pelikula ay yung tungko kay Maximo (Nathan Lopez) na isa siyang Gay boy, na tanggap ng pamilya niya. Noon pa man wala naman problema sakin ang thirds sex, I see Maximo as a kid like I amm nung pinapanood ko yun dati, Befriending with Victor, The policeman is not that an issue, as a kid I think magkaibigan lang talaga sila.
Ngayon, Bilang ako naman na kakapanood lang ulit nito ngayon. I Like the intro, kalimitan na yun sa indie eh yung pinapakita yung kahirapan ng bansa with matching shaky Camera angles kasi nga art din yun. Pero yung intro, yung musical scoring nun, very filipino like I feel the vibe of Manila people. Simple lang yung intro eh, magaling yung projection ni maximo kasi parang natural lang. Kung paano ipinakita yung buhay niya, kung paano ipakita yung kalagayan sa paligid niya. One thing na nagustuhan ko pa ay yung pagkuha niya nung orchid, artistically speaking for me ang ganda na ginamit yun bilang simbolo ng pagdadalaga niya at tatak ng pagka-inosente niya sa magulong lipunan na nakapalibot sa kanya.
The Film itself is not a typical gay story, actually hindi naman nagfocus ito sa pagiging gay ni maximo. Nagustuhan ko yung mismong takbo nung pelikula mula sa simula. Yung pagtanggap ng pamilya ni Maximo sa kung sino at ano siya, na kahit lumaki pa siya sa matigas na pamilya pero pagdating sakanya ay malambot din sila dahil narin sa pagmamahal nila kay maximo.
Hindi lang sa pamilya kundi sa lugar narin nila na tanggap ang pagkatao niya. I Love how director Solito tells the story of maximo with such innocence and depths. Coming-out of age yung film, yung characters at ang ganda nun dahil napakita yung pag-grow ng mga Characters, how they learn and how they changed.
Nagustuhan ko yung eksena na parang magtotropa lang sila ng tatay niya at mga kuya niya. Kung paano sila magbiruan at magtawanan, hindi mo iisipin na gumagawa ng illegal yung pamilya niya. Mahirap talaga manghusga ng tao, isa sa natutunan ko s pelikulang ito. Karamihan sa mga tao sa komyunidad nila maximo ay may trabahong illegal o gumagawa ng di maganda pero kahit ganun ay accepting sila sa kapwa nila and I like it na naportray yun ng pamilya Oliveros. Hindi sila masama pero mahirap sila kaya sila nakakagawa ng di tama. Katulad nung sa Police na tumanggap ng mga lagay, wala naman sila pinagkaiba sa mga hinuhuli nilang kriminal.
At ayun nagustuhan ko yung friendship na nabuo nila victor at maximo. kahit na may agwat sila ng edad hindi yun naging rason para hindi sila maging magkaibigan. It started as being platonic buddies and how it grew into a simple crush; maximo’s feelings. Innocence parin yung pinapakita kahit na may nabubuong attraction si maxi kay victor.
Nagustuhan ko rin yung “tug-of-war” Feels nung pelikula, nung may nagawang mali yung kuya niya at nakapatay, alam ni maxi kung ano ang pwedeng mangyari sa pamilya niya pero hindi niya alam yung pwede mangyari kay victor lalo na eh attracted na siya dito, na pati sarili niya ay binabago niya para mapansin siya ni victor, pero kahit na ganun ay di parin nawawala ang pagka inosente ni maximo.
The death of his father is tragic and heartbreaking. Dahil doon kailangan niyang mag-adjust at makibagay sa pangyayari na yun, Maximo grew up not only emotionally but also mentally. I like the film, there’s so many unexpected scenes at tuloy tuloy lang yung takbo nung pelikula at walang minuto na nakakaburyo panoorin. Maganda siya kasi habang pinapanood mo lahat ng emosyon ay mararamdaman mo, mula una hanggang huli. Dagdag pa yung cast, dahil magagaling yung pagsipagganap nila sa pelikula. Realistic. The struggles and the story seems so true.
I Love the Film it is beautiful and I recommend it na panoorin ng marami, kahit na luma na siya at 2005 pa. A twist of finding your true self and with the impact of innocence in a place na magulo. Hindi lang siya nagfocus sa maraming problema ng pilipinas, pero napakita niya yung minsang buhay ng bata, hindi isang baklang bata pero yung pagiging ordinaryong bata. Dagdag lang yung pagiging gay ni Maximo sa coming of age niya, na mas mahirap yung situation niya dahil sa mga nangyari lalo na at bata pa siya. Seems like innocence was taken away from him from a very young age nang mamatay ang tatay niya but he’s still the innocent maximo sa start ng film, pero he just grew up and became even better, and I like it.
Sa huli, makikita si Maximo na naglalakad papasok sa paaralan para magaral ulit. Bagong buhay. Nakita niya si victor at inantay siya but Maximo is stronger now and he’s wiser, he walked forward as if hindi niya nakita si victor, malayong malayo sa Maxi na pumulot ng orchid sa kanal, Malayo sa Maxi sa simula palang ng pelikula. Maximo became the source of motivation ng iba pang karakter sa Pelikula, hindi lang siya ang nagbago at nag-grow, and I think that’s beautiful.
“Marami nga ang masamang tao, pero isa lang ang Papa ko.” - Ang pagdadalaga ni Maximo Oliveros
Ano ang di mo nagustuhan sa pelikula?
Wala akong specific na bagay na hindi nagustuhan sa Pelikula na to, dahil maganda ang kalidad at pagkakagawa, siguro may mga eksena na medyo mabagal yung galaw at takbo ng storya pero maganda parin ito.
















