Musika ang maituturing na pandaigdigang wika na taglay ang kapangyarihang pag-ugnayin ang mga taong may iba't ibang pinagmulan. Partikular sa UPIS, nagsasama-sama ang mga estudyante dahil sa pagmamahal sa sining ng musika at pagtatanghal. Madalas na napapanood ang mga estudyanteng ito sa entablado ng Battle of the Bands—ngunit, naisip mo na ba kung ano ang nagaganap sa likod ng mga ilaw at hiyawan ng madla? Halina't kilalanin natin ang student bands ng UPIS!
Banda Trenta
BANDA TRENTA. Litrato ng bandang Banda Trenta. Kuha ng Banda Trenta.
Mula sa Batch 2030 ang Banda Trenta na binubuo nina Allyssa Sarenas sa main vocals, Niño Sumayo sa back-up vocals at rhythm guitar, Renson Villareal sa lead guitar, Enzo Padilla sa bass, Aaron Dela Cerna sa keyboard, at Sean Eting sa drums. Bilang kauna-unahan at nag-iisang banda sa kanilang batch, napagdesisyunan nila ang pangalang “Banda Trenta” mula sa mungkahi ng magulang ni Niño.
Isa sa mga miyembro nila, si Niño, ang ilang beses nang nakapagtanghal nang solo. Nais niyang ibahagi ang karanasan sa kanyang mga kaibigan, kaya inimbitahan niya sila na magtanghal bilang isang banda. Naging Banda Trenta ang kanilang grupo nang sumali si Allyssa bilang main vocalist. Nagkaroon din sila ng pagsasaayos ng roles ng bawat miyembro upang maihanda ang kanilang banda sa LAGABLAB: Battle of the Bands 2025.
Nakahiligan nilang tugtugin ang mga kantang Original Pilipino Music o OPM. “Bagay ito sa vibe na gusto naming iparating—‘yung chill lang, pero may angas,” ika ni Niño. Bukod dito, isinasaisip din nila ang pagpili ng tutugtugin upang magkaroon ng spotlight ang bawat miyembro sa isang kanta. Hindi nila pinalalampas ang bawat pagkakataon na tumugtog at makapagtanghal; patunay rito ang mga events na kanilang nilahukan tulad ng LAGABLAB: Battle of the Bands 2025, MCLive 2025, HIMIG: Battle of the Bands 2025, at AKWE 2026.
“Ang hindi namin malilimutan na karanasan ay [sa] tuwing nasisira ang drumsticks ni Sean, tuwing may performance,” banggit ni Niño. Sa kabila ng mga problema, nagagawa pa rin nilang idaan ang mga ito sa pagtawa. Higit pa rito, mas pinapahalagahan nila ang bawat minuto na nagtatanghal sila sa entablado.
“You don’t have to wait until you’re good. Start while you’re bad. Start while you’re shy. Start while you’re still learning what a G chord is. Most people think bands begin when everyone is skilled. Hindi. Bands begin when people decide ‘let’s do it,’ even if sablay pa. You will sound messy at first—and that’s okay. You’ll forget lyrics. You’ll mess up timing. You’ll lose competitions. A band isn’t just about music, it’s about commitment. [Mag-]practice kahit walang upcoming performance.”
°Fahrenheit
°FAHRENHEIT. Litrato ng bandang °Fahrenheit. Kuha ng UPIS Media Center.
Kabilang sa bandang °Fahrenheit ang mga vocalist na sina Ashley Abella at Daniel Cobico, rhythm guitarist na si Elijah Aggasid, lead guitarist na si Brianca Sumayo, bassist na si Yumi Adaya, at drummer na si Jacob Maramag.
Matapos ang kanilang unang pagsabak sa LAGABLAB: Battle of the Bands 2025 noong nakaraang akademikong taon, nakaranas ang °Fahrenheit ng ilang pagbabago sa pagitan ng una at huling pakikilahok nila sa BOTB. Ibinahagi ng banda na kilala sila dati bilang FOURTH° (Fourth Degree) na binuo lamang ng apat na miyembro na sina Brianca, Ashley, Yumi, at Jacob.
Taong 2025 nang mapagdesisyunan nila na magdagdag ng dalawang bagong miyembro bilang paghahanda para sa BOTB ng BULONG: UPIS Fair 2025-2026. “FOURTH° opened its door for two new members—a male singer and a rhythm guitarist, namely Daniel Cobico and Elijah Aggasid—thus completing our music,” ayon kay Brianca.
Kasabay ng panibagong lineup ng banda, tuluyan nang pinalitan ng FOURTH° ang kanilang pangalan at ginawa itong °Fahrenheit. “While FOURTH° was limited to a single temperature point, °Fahrenheit embodies a full scale, offering us greater flexibility and a broader range of possibilities to achieve our goals,” paliwanag ni Brianca.
Naging malaking tulong naman ang iba't ibang kinabibilangang banda at musical backgrounds ng mga miyembro sa pagbuo at paghubog ng kanilang banda sa kung ano ito ngayon.
Bagaman magkakaiba ang pinagmulan ng mga miyembro, madali silang nagkakasundo sa kung anuman ang gusto nilang tugtugin—na kadalasang OPM at pop music. Malimit nilang piliing tugtugin ang mga kantang humahamon sa kanilang kakayahan sa musika, upang pag-igihin ang kanilang pagiging musikero. “We make sure to add something new and unheard of—sort of like our own special twist to the songs,” dagdag ni Brianca.
Noong HIMIG: Battle of the Bands 2025 ang kanilang unang pagkakataon na makapagtanghal bilang isang buong banda na may anim na miyembro. Kaugnay nito, nakapag-uwi sila ng kanilang unang podium placement at itinanghal bilang 2nd Runner-Up. “This latest BOTB was unlike any other because we embraced the challenge of bringing in new members and taking the risks that come with it. Fortunately, our efforts paid off, and we managed to make it onto the podium for the first time,” ika ni Brianca.
“Music isn't just sound; it serves as the language of the soul. When we look at sheets of music, we don't simply see notes on paper. We see a vision […] and when different people come together with their different styles, stories, and emotions, this vision comes together. But none of that happens without passion. If you're starting a band, don't overthink the perfect moment to put yourself out there. Music grows when it's heard. It's about inviting the audience into the vision that we saw in the music that we play, to convey and let others feel it for themselves.”
DOGYOUTH
DOGYOUTH. Litrato ng bandang DOGYOUTH. Kuha ng DOGYOUTH.
Binubuo ang DOGYOUTH nina Hannah Pedrasa at Andre Baladad sa vocals, Luisa Figueroa sa rhythm guitar, Mika Dela Cruz sa lead guitar, Joaqx Morong sa bass, at Faith Mendoza sa drums. Sa orihinal naman na mga kanta, nagtutulungan sila sa pagsulat at pagbuo nito. “From the bare bones of the song, we each add ideas and give feedback to refine the dynamics and each of our parts, tulad ng mga hits nina Faith at Joaqx, [guitar] solos ni Mika, at harmonizations nina Hannah at Andre.” paliwanag ni Luisa.
Bago maging DOGYOUTH, biruan ng grupo na “Kalbong Agila” ang dapat na pangalan ng banda. Napagpasyahan nila ang pangalang DOGYOUTH, dahil mas catchy raw ito at konektado sa “Azkals”—ang pangalan ng isa pang banda ng kanilang bahista na si Joaqx. Nabuo ang kanilang banda dahil sa kagustuhang sumali nina Faith, Mika, at Joaqx sa TANGHAL: Battle of the Bands 2023. Mula rito, niyaya nilang sumali si Hannah bilang bokalista ng banda. Taong 2024, naimbitahan nila si Luisa bilang gitarista; sa sumunod na taon, sumali naman si Andre bilang isa pang bokalista.
“Karaniwan ay tinutugtog namin ang mga OPM songs,” banggit ni Luisa. Isa ang OPM sa madalas nilang pinakikinggang genre at isa rin daw ito sa mga patok para sa karamihan. Bukod dito, bukas naman sila sa iba pang uri ng tugtugin at handang aralin ang mga kantang nagugustuhan ng bawat miyembro. Nakatugtog na rin sila sa maraming event katulad ng UPIS Battle of the Bands, Junior-Senior Promenade o JS Prom, debut, at iba pang okasyon na dinadaluhan ng mga miyembro. Para sa kanila, enerhiya ng BOTB ang pinakatumatak at hindi nila malilimutan. “The feel of being on stage and performing what we worked for is so rewarding,” ika ni Luisa.
“Keep trying and take every opportunity! Dalawang beses [na] hindi na-qualify ang DOGYOUTH sa BOTB, pero ngayon ay 2nd place [1st runner-up] kami. Kung gusto niyo[ng] magbanda, by all means, go for it. Malayo ang mararating ni[n]yo, lalo na if mag[ka]kaibigan kayong mga band members, dahil [n]ando’n na ang inyong chemistry! DOGYOUTH will be supporting you, guys. Get, get, awoo!”
Garaheadz
GARAHEADZ. Litrato ng bandang Garaheadz. Kuha ng Garaheadz.
“Kami ang Garaheadz!” karaniwang sinisigaw ng banda sa tuwing magpapakilala. Nanggaling ang pangalang ito sa salitang “Garahe,” kung saan nag-eensayo ang banda. Galing naman sa isang sikat na banda—ang Eraserheads o minsan’y kinikilala bilang E-headz, ang “headz” sa kanilang pangalan. Isa ito sa mga paboritong banda ng mga miyembro ng Garaheadz o G-Headz.
Binubuo ito ng mga vocalist/rapper na sina Charlize Abundo at Lucas Lagunzad, drummer na si Reo Castro, guitarist na si Troy Dela Torre, at bassist na si Sara Lazaro.
Nabuo ang Garaheadz dahil sa nais nina Troy at Reo na bumuo ng bagong banda. Habang pinag-iisipan kung sino ang mga posibleng maging miyembro, naisip nilang kinakailangan nila ng ibang bahista, dahil nais namang masubukan ni Troy na maging gitarista ng kanilang banda. Nang malaman ito ni Sara, nagboluntaryo siyang maging bahista ng banda, kahit na wala pa siyang karanasan sa pagtugtog ng bass. Nang umatras ang orihinal na bokalista ng banda, pinalitan naman ito ni Charlize, at kamakailan ay sinamahan ni Lucas sa pagiging bokalista.
Bagaman iba-iba ang pinagmulang karanasan sa musika at banda ng mga miyembro, naging madali at maayos ang kanilang pakikipag-ugnayan sa isa’t isa. Sa mga dinaanang pagsubok sa musika, tulad na lamang ng hindi pagkakaroon ng pagkakataong makapag-podium sa mga nagdaan nilang mga banda, nais nilang makabawi mula rito. Isa sa mga rason ay ang kanilang passion at determinasyon upang tanghaling kampeon sa HIMIG: Battle of the Bands 2025.
Pinakapaboritong tugtugin ng Garaheadz ang rock/rap, kaya kabilang sa setlist nila noong LAGABLAB: Battle of the Bands 2025 ang “Upuan” ni Gloc-9, sa bersyong rock. Magmula noon, ito na ang naging main theme ng kanilang banda dahil sa mataas na enerhiyang natanggap nila mula sa madla.
Nakapagtanghal na sila sa iba’t ibang mga event tulad ng mga batch events, debut parties, MCLive, at BOTB. Sa lahat ng mga ganap na ito, hindi nila malilimutan ang mga oras na binalik ng madla ang enerhiya ng kanilang performances. “In those moments, the performers are not only just the 5 of us, but also the entire crowd filled with people just as passionate about music […] all brought together by the common love for music. In those moments, it always felt like UPIS was one,” ayon kay Lucas.
“Have fun over everything and keep your passion strong, because there will be a lot of external factors that will try and take it away from you, situations that will test your love for music. [...] So, enjoy it, go through it, learn from it, but most of all, cherish it. [...] I don't regret getting hurt, failing. ‘Yung mga times na pumiyok ako, na-bash, at napahiya sa stage, it all led to me growing not only as a performer, but as a person. Having a band taught me how to fail successfully and learning how to bounce back, and that is something that you will be able to apply to your life forever, and it can all start—with your band.”
Ngayong laganap ang teknolohiya, malayo na ang naaabot ng musika, lalo na para sa mga kabataan—mula sa pakikinig hanggang sa pagbuo nito. Hindi naging hadlang ang kanilang edad upang tumayo sa isang entablado at makapagtanghal sa harap ng madla. Para sa mga bandang katulad nila, hindi lamang ito basta-basta—isa itong pagbabahagi ng kanilang talento at pag-ambag sa sining ng musika. Higit pa rito, naging daan ang musika para mahanap ang kanilang tunog, makabuo ng pagkakaibigan, at matuklasan ang sariling pagkakakilanlan. Para sa inyo, ano ang musika?
Ito ang #MusiCalye, tinig ng kabataan.
// nina Kimberly Celso, Lyra Interno, at Andrea Rebaldo
i couldn't watch the entire match, only the last few games. but remember guys, he did mention after winning miami that he'll see how his body's doing, and that's the fatigue that showed today. so i'm not really overthinking about whether he'll win the next match or not, just hope that he'll get proper rest. forza!
his mental (and even physical improvement) strength though. can never not admire it!