KWENTONG KWARANTIN #60
Unang araw na ng MECQ! Kaway-kaway sa mga naka-adobo rin today. Hello ate @jenel.laureta at @foodstoryofmylife. Nilagyan ko nga pala ng patatas 'yung adobo ko kasi pwede naman ata? Hehe. Tsaka may nakita pa akong dalawang pirasong saba dito sa bahay. Hinog na hinog na kaya sinahog ko na rin. Sayang naman kung mabubulok lang. Hihi. Tsaka naglaga na lang din ako ng itlog. Tig-isa kaming magkapatid.
Ngayong dinner, bumili na lang ako ng lechon manok. Tinamad na akong magluto. Hehe. Tapos napadaan na naman ako sa bilihan ng isaw at betamax. Marupok tayo eh, kaya ayun.
Hindi pa naman sigurado pero sa Martes, baka pumasok na ako. At mukhang mag-stay in na lang muna ako sa site dahil wala pa ring public transpo. Bale, matatapos na ang #KwentongKwarantin natin.
Sabado, 16 Mayo 2020










