Alam mo ba, mahal Akala ko kaya kong indahin ang sakit Pero hindi pala At sa tuwing ika'y nasasambit Sa tuwing ika'y naiisip Ako ay nabibilaukan sa mga salitang hindi ko masabi sa iyo Mga salitang nagpapabigat sa aking puso At sa paglipas ng panahon ay unti-unti na akong nababaon Sa mga kasinungalingan Na ayos lang ako, na kaya ko pa Na gusto kita pero hindi kita mahal Na hindi ako nagseselos at wala akong pakialam Na masaya ako kahit kinukwento mo siya Na wala lang sa akin ang lahat Pero putangina hindi pala Ngayon ko lang napagtanto na ang galing-galing ko palang magsinungaling Ang galing-galing ko dahil pati ang sarili ko ay naloko ko na rin
ada; Mahal (4/5)
















