Okay, ikwekwento ko kung anong nangyari sa inuman at overnight last night with other tumblrista. I-scroll mo na 'to pababa kung wala ka naman interes sa ikwekwento ko.
So uminom kami ng like 12 or 1am na, buti nakalusot ung alak sa gate. Haha! Kami kami nila Ralp(ralpsalazar), Kaye(kayeshutup), Wenz(ughwenz), Melvin(meetdmelvinator), Jv(masterjv), Chelay(chelaymahalay), Kebong(kevinichiii).
Ang bilis ng ikot ng baso, so mabilis din agad natapos. Si Kaye mga naka 4 shots lang, baliw na agad eh. Joke! Haha. So 6 na lang kami natira, hanggang sa ubos na. Wala namang masyadong nalasing, okay lahat. Si Ate Chelay nagdrama ng onte pero naging okay naman. Tapos si Daddymelvs, Jv, Wenz eh super okay naman sila. Pero kasi si Kebong medyo makulit, ang harot pero naging okay din naman nung nahimasmasan na.
Okay, si Ralp din, nag-face to face sila nung bowl tapos nakatulog na sa banyo kakasuka. Feeling namin one week na nakain niya ung sinuka niya. Tapos ako tsaka si Kebong ung nagaalalay. Hindi naman siya lasing masyado, hindi niya lang nakayanan ung alak ata, pero okay naman ung lakad niya tapos maayos ung salita ung pagsuka lang eh. Nyare na 'teh. Hahaha.
Ako? Wala kong makwento kasi hindi ako tinamaan, seryoso. Wala atang epekto sakin ung alak, walang suka or hilo akong nafeel. What, ang yabang amputa. Okay. Hahaha.
Dalawang room kami, sa kabilang kwarto sila Kaye, Wenz, Ek, Melvin and Jv. Tapos sa kwarto namin, ako , Ralp, Chelay and Kebong. Tabi kami ni Ralp tapos si Chelay and Kebong.
Nyare sa kwarto namin? Haha! So tabi nga kami matulog ni Ralp tapos sa kabila sila Chelay, may ipis bigla sa wall, sa side ni Ralp, tapos sumigaw ako, thanks kay Chelay kasi pinatay niya. Omg, muntik na ko mamatay. Wala share, gusto ko lang ikwento. Tapos naman si Chelay hinihinaan ung aircon tas nung umaga reklamo ng reklamo na mainit daw. Puta?! HAHA! K.
Ang trending kahapon at kagabi eh "Cool story bro" and "Ahhh". Tangina lang kapag nagjo-joke ka, barado agad so wala nang nagjo-joke, natakot na eh.
Yun na. Ang dami ko pang gustong ikwento pero sabi ng iba wag daw ikwento ung about sakanila so bye!