Pasintabi na lamang sa mga walang pagnanasang mabasa ang sumusunod. Nasa right corner lamang po ang logout button. Charos. Pagbigyan na lang dumaan ang post na ito. Stress reliever na din sa isang katulad ko na walang mapagsabihan.
Simple lang naman po. Pagod na ako sa grandiosity ng work. Pero kinakaya ko kasi masaya ako. Pero nung sabihan akong "napakairresponsable" batay sa OA na reaksyon ng kliyente, sabi ko sobra na sila. I work more than 8 hours a day. Hindi ako tamad at tumutunganga sa work kahit sabi sa akin matulog ako o magpahinga. I work even during lunch breaks. NapapagOT nila ako hanggang 9PM. Hindi ako nagrereklamo kakautos nila na magulo naman. At ang pinakaayokong nangyari.. sinabi nang may DTR pero pinipilit nilang wala. Tae. Meron nga. O ayan resignation.
The customer is always right daw. I don't believe.
Lesson: Huwag masyado mabait. Sinasamantala ng iba. Ayan wala kang kasalanan isusumbong ka pa sa management.
Anyway, hindi natuloy. Di daw yun ang solusyon. (Syempre wala na silang masisisi) Pero at least nasabi ko yung mga hinaing at sama ng loob ko.