Ginusto kita, Ginusto mo siya
Isa lang akong tagahanga niya, walang karapatan para mag-over react sa mga pagbabago sa buhay niya. Masaya siya ngayon, sana hanggang sa huli ganyan ka. Nahanap niya ang pagmamahal na hindi niya inakala, sa hindi inaasahang lugar, sa hindi inaasahang pagkakataon at higit sa lahat 'sa hindi inaasahang tao'. Masyado ba yo'n? Eh yung mga sinabi ko sobra na ba? Wait hindi pa tapos e, yung ilang araw kang wala tapos boom may isang pangyayari na gigimbal sa pagkakatulog mo. Parang sakit na ikakamatay mo (masyado na ako dito sa part na to'h). Teka lang hindi ko kinakaya. Marami akong gusto sabihin at gusto ko ihambalos kung ano mahawakan ko, parang gago lang di ba? Tagahanga lang pero OA. Masisisi niyo ba ako e' yun nararamdaman ko. Hindi naman talaga kita kilala para umasta ako ng ganito, isa ka lang hamak na lalaki na nakilala ko at nakita isang beses sa 20 taon kong pamumuhay dito sa mundo, di ba hindi rin yo'n inaasahan. Parang kang kabute na sumulpot at ako itong para tuyong dahon na nalaglag sayo, malas ko lang hindi mo ako nasalo kaya sa lupa bagsak ko. Isa lang akong tuyo't na dahon na kung ikukumpara mo sa isang berdeng dahon ay ilang milya ang agwat. Syempre mas mapapansin mo yung isa. Ngayon, cross out na name mo. Isa kana lang ordinaryong tao para sa'kin simula sa araw na to. Napakabilis ng mga pangyayari, hindi kapani-paniwala.












